CHAPTER 6
ABALANG-ABALA ang halos lahat ng estudyante ng TU pati na rin siya. Ngayon nga ay alas singko pa lang ng umaga ay naririto na siya at aayusin pa nila ang Jail booth nila.
Nagmamadali si Bianca na naglalakad habang buhat-buhat ang tatlong box na naglalaman ng mga gagamitin nilang pangdisenyo sa Jail Booth.
Habang patungo sa Gymnasium ay nakita niya si Luke na tumatakbo patungo sa kinaroroonan niya.
“Hi,” bati niya sa binata nang makarating ito sa kaniya.
Medyo pawisan ito ngunit fresh paring tignan at mabango parin. Ipinilig niya ang ulo dahil sa naiisip.
Bigla nitong inagaw sa kaniya ang dala-dalang mga box. “I’ll take care of this.”
Mabilis siyang umangal. “Huh? H’wag na, ako na.” Pilit niyang kinukuha pabalik sa mga kamay ang mga box ngunit hindi iyon pinakawalan ng binata. Sa huli ay nagpaubaya nalang siya at sinabayan ito sa paglakad.
“Why are you carrying these heavy boxes?” Halata sa boses nito na hindi nito gusto ang ideya na iyon.
Tumikhim siya bago nagsalita. “Wala naman akong ginagawa eh.” Aniya, para lang may masabing palusot sa binata.
“Not working. What about the boys? They are supposed to do this, not someone like you.” Masama ang mukha nitong sabi at umigting ang panga.
Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Hindi niya mahula kung ano ang pinaghuhugutan ng galit ni Luke gayong wala namang masama na nagbubuhat siya ng mga karton.
“Busy sila.” ‘Yun nalang ang naisagot niya. Hindi naman na umimik ang lalaking nasa tabi at nagpatuloy lang sa paglalakad.
Pagkarating nila sa Gymnasium ay pinagtitinginan sila ng mga estudyante na nando'n ng umagang iyon.
Nahihiya na lamang siyang ngumiti at bahagyang tumungo. Nakarating na sila kung saan nila itatayo ang booth nila at hindi naman nawala ang kantyawan sa kanila.
“Ahem, ahem. Iba na ata ‘yan?” Nakangising sabi ni Robert na sinundan naman ni Sarah.
“Right ka riyan, Roby babe.” Segunda ni Sarah.
Bahagya niya lang na pinanlakihan ng mata ang dalawa upang patihimikin ngunit mas dinagdagan pa ni Charlie.
“Ay, h’wag kayo mga girl. Our Fafa here is officially courting our sweet princess.” Nanlalaki ang mata niyang napabaling kay Charlie. Talaga nga naman, walang preno ang bunganga.
Hiyang-hiya na siya dahil sa mga natatanggap na tukso sa mga kaklase na dinagdagan pa ni Luke.
“Well, I’ve been courting her since last year.” Imporma nito sa mga kaklase niyang nagsitilian.
Naku naman.
Patuloy lang sila sa pag-uusap habang inaayos ang booth nila nang may narinig silang pasigaw na tumawag kay Luke.
“Captain! Tama na muna ang ligaw! The food is now here, alright.” Isa iyon sa kateam-mate nito na kaklase rin. Ang nakatoka naman kila Luke ay foodtrip booth. Siyempre, bibilhin iyon at hindi libre.
Kita ni Bianca ang pag-aalangan sa mukha ni Luke na umalis kaya naman nagsalita na siya.
“Sige na. Para maiayos niyo na ‘yung mga pagkain ng maaga. Pwede ka pa namang bumalik mamaya pagkatapos.” Aniya sa binata upang makaalis na ito. Luke will always have the soft spot of her. 'Yon ang sigurado siya.
Napalatak naman ang tumawag kay Luke. “Naku naman, Bianca. Lower down your sweetness. Mas lalong ayaw umalis ni Captain eh.” Nakangisi ito na ikinainit ng pisngi niya.
YOU ARE READING
MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)
Narrativa generaleSYNOPSIS Bianca Martin is a scholar of a private University. Isa siyang sophomore student at kahit hikahos sa buhay ay pipilitin niyang maka-graduate. She's not in good terms with 'life' but she will do everything just to graduate. Unang pasok sa U...