CHAPTER 26

353 8 8
                                    

CHAPTER 26

"KATALLINA..." Mahinang bigkas niya sa pangalang nakaukit duon. "Kilala mo ba?" Napalunok si Bianca. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay mauubusan siya ng hininga. Ang pangalan na iyon... Pamilyar sa kaniyang pandinig.

Hinaplos din ng Propesor ang nakaukit na pangalan, "someone that is...very important to me." Naging malambing ang boses nito na may halong ngiti, malamlam ang mga mata at tila ang pangalang iyon ay nakapagpapasaya rito.

Ito na naman ang sakit na para siyang unti-unting pinapatay. Parang mga punyal na dahan-dahang itinatarak sa kaniyang puso upang maramdaman ang walang hanggang sakit.

"S-Siya ba ang...asawa mo?" Muli ay napalunok si Bianca. Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob upang tanungin ang bagay na iyon. Sa totoo lang, sinubukan niyang hinanap ang pangalan ng asawa nito sa pag-aakalang nasa internet iyon dahil kilalang personalidad ang Propesor. Ngunit ni isa ay wala siyang nakita. Ni pangalan o mukha ay wala.

Hinintay niya ang sagot nito hanggang sa dahan-dahang tumango si Pietro, "yes. Katallina is my wife. Katallina Romana-Salvacion..."

Napatango-tango si Bianca at napahaplos sa magkabilang balakang upang mapigilan ang umiyak. Bakit siya nagiging emosyonal? Alam niyang umalis na ang asawa nito sa puder ng lalaki, ngunit hindi pa rin niya maiwasan ang masaktan at magselos.

Dahil siguradong mas angat ang pagmamahal ng Propesor kay Katallina kaysa sa kaniya. O mahal ba talaga siya nito o simpleng gusto lamang? Ni minsan ay hindi niya pa narinig ang tatlong salitang iyon mula kay Pietro.

"Ah, okay. Sabagay, importante nga naman siya lalo na kay Piero." Masama an loob na aniya at bahagyang nagbigay ng distansya sa kanilang dalawa.

Date ba talaga 'to? Bakit siya nito ipinunta rito? Sa tagpuan ng mga ito? Para ano? Para saan? Akala pa naman niya...

Hindi na napigilan ni Bianca, tumulo na ang isang butil ng luha mula sa kaniyang mga mata na kaagad niyang pasimpleng pinunasan. Ano ba naman 'to, bakit sobrang sensitive niya. Normal lang naman na mahal ng Propesor ang asawa nito eh. Wala siyang karapatang masaktan, ginusto niya 'to.

Napahaplos siya sa naka-cross-arm nang braso at at huminga ng malalim. Pilit kinakalma ang sarili upang hindi magtuloy-tuloy ang nasimulan nang pagluha.

"Bianca-"

"Angganda pala dito 'no? Angganda. Nakakatanggal ng stress." Binuntunan pa niya ng pagak na tawa ang huling sinabi. "Pero parang ayaw kong magtagal dito." Aniya sa mahinang boses.

"Babe-"

Tinalikuran niya ito, "uwi na tayo." Walang ganang aniya at nagsimula nang maglakad.

Hinabol siya ni Pietro saka hinigit ang kaniyang braso. "Babe, yes, Katallina is my wife-"

"Alam ko." Sabad niya. "Hindi mo na kailangang ulit-ulitin pa." Kasi nasasaktan siya. Akala niya tanggap na niya na nakikihati lang siya, ngunit hindi pala. Masakit pa rin ang katotohanang kasal ito.

"No, babe, you really don't remember? Just a bit?" Ang boses nito ay sobrang lungkot.

Hindi niya alam ngunit mas dumagdag iyon sa bigat na naiwan sa kaniyang dibdib.

"A-Ang alin?" Kunot ang nuo niyang tanong at hinarap ito.

Huminga ito ng malalim, tila kumukuha ng lakas upang sabihing ang nais sabihin,"this place... This place where you said yes to me. Kahit kaunti, hindi mo talaga naaalala?" Ang mga mata nito ay nagsusumo at hindi niya alam kung para saan.

Ilang segundo ang lumipas, pinipilit intindihin ang sinasabi nito ngunit hindi niya talaga kayang intindihin. O talagang blang ko ang kaniyang utak ng mga oras na iyon. "H'wag mo akong pinaglalaruan. Tara na." Nang akmang hahakbang siyang muli ay narinig muli ni Bianca ang boses ng Propesor.

MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)Where stories live. Discover now