CHAPTER 22

810 12 0
                                        

CHAPTER 22

HATING GABI nang makauwi sa tenament si Bianca dahil hinintay pa nilang makatulog si Piero. Ayaw kasing humiwalay sa kaniya at kapag gagawin naman niya ay papalahaw ito ng iyak kaya pinatulog nalang nila muna.

Ang iniisip niya ay paano kung sakaling hanapin siya nito at magising ng wala siya? Maaaring umiyak na naman si Piero at ayaw niya 'yon.

Makita niya lang na may tumulong luha sa mga mata ng bata ay sumisikip na ang dibdib niya. Nakaramdam si Bianca ng pangungulila sa bata, napalapit na agad ang loob niya kay Piero isang araw pa lamang.

Parang pagod na naupo sa upuan si Bianca, isinandal ang likod sa upuan at tumingala. Pinagbuksan lang sila ng pintuan ng ate Bella niya pagkatapos ay nagpaalam na papasok na rin sa kwarto at itutuloy ang pagtulog.

Sa madaling salita ay hindi nito sinulyapan man lang ang Propesor na kasama niya.

“You okay?” Kaagad na tanong ni Pietro. Marahil ay nakita nito ang itsura niyang hindi maipaliwanag.

Tinignan niya ito at sumimangot. Ngumiti ito sa kaniya at nagtungo sa pagitan ng kaniyang mga hita, pa-squat na naupo at ipinalibot ang ma-muscle na braso sa kaniyang maliit na baywang.

Napangiti siya sa ginawa nito at agad na ipinalibot ang maliliit na braso sa leeg nito.

“Okay lang. Kaya lang, namimiss ko kaagad si Piero.” Sagot niya rito pagkakuwan, halos nakanguso na sa harapan ng Propesor.

Bahagya naman itong natawa ang inilagay sa likod ng kaniyang tainga ang mga humaharang na buhok sa kaniyang mukha. Kinilif siya sa maliit na bagay na ginawa niyon.

“It's okay. I'll bring you there again some other time. You just really need to review tommorow, may exam kayo this week for finals.” Tila ba ipinapaalala nito.

Iyon ang dahilan kung bakit hindi siya maka-stay sa bahay nito bukod sa parang hindi magandang tignan lalo na at pamilyadong tao ito. Dahil kapag nandoon siya ay baka kulitin siya nang kulitin ni Piero, na siyang inaalala ni Pietro.

Tumayo ang Propesor ngunit hindi siya bumitaw kundi mabilisang sumaklot dito saka inilagay ang mukha sa leeg nito. Natawa si Pietro sa ginawa niya na ikinasimangot ni Bianca. Talagang nagiging clingy na siya sa binata, wala naman siyang magagawa kasi gano'n ang nararamdaman niya.

Saka, wala naman siyang naririnig na tutol mula sa lalaki.

“Pero paano kung hanapin niya ako tapos umiyak siya? O 'di kaya baka magalit siya sa'kin. Ayaw ko no'n.” Nag-aalalang aniya.

“Piero is a smart boy. He will understand you. Don't think too much, okay?”

Wala na siyang nagawa kung'di ang tumango. Kahit papaano ay nawala ang pagkabahala sa kaniyang dibdib. Siguro naman ay maiintindihan naman siya ni Piero.

Hinalikan siya sa ulo ni Pietro saka bumulong, “let's go to your room? It's almost morning.” Anito.

Tumango lamang si Bianca at hinigpitan ang kapit sa Propesor, baka mahulog pa siya.

Para siyang batang buhat nito, parang hindi naman ito nabigatan sa kaniya kahit kaunti. Parang si Piero nga lang ang binubuhat nito. Nang makarating sila sa hindi kalawakang kwarto ay agad siyang hiniga ni Pietro sa kama ngunit hindi parin siya bumibitaw.

MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)Where stories live. Discover now