CHAPTER 24
WHAT PIETRO expected happened. A picture of him and Sandra was posted at the TU's freedom wall and intentionally sent it to Bianca. He wanted to strangle the woman's neck but he kept him calm.
What he need is to talk to the lady who has been ignoring him. Maliban sa selosa, ang isang katangian pa ng dalaga ay kapag may problema o ano ay bigla nalang hindi mamamansin. Mabilis paamuhin dahil marunong itong makinig ngunit mas nangunguna ang hindi pagpansin.
He's frustrated inside his office. Pietro wanted to go to Bianca's room but it's not their schedule yet. And for sure they are in the middle of the discussion and he doesn't want to interrupt Bianca from studying.
Tsk. Mas importante pa nga yata rito ang pag-aaral kaysa sa kaniya. Well, it's not a bad thing. He liked it. That she's determined to her academic and looking forward to success.
Sa kabilang banda, hindi maka-focus si Bianca sa discussion nila. Ginagambala pa rin siya ng mga litrato na nakita niya kagabi lamang. At dahil doon ay hindi na naman niya ito pinansin. Sa hindi mabilang na pagkakataon.
Nang matapos ang klase ay sa kauna-unahang pagkakataon, siya ang unang lumabas ng classroom.
“Bianca! Bianca?!” Tawag sa kaniya ni Jasmine na nag-aayos nh gamit habang siya ay nasa labas na ng silid.
Tinaasan niya ito ng dalawang kilay, “ano?”
“Where are you going?” Tanong ng kaibigan sa kaniya.
“Uuwi na. Mauuna na ako, bye.” Kumaway siya rito saka hindi na hinintay ang sasabihin ni Jasmine. Tuluyan nang humakbang ang kaniyang mga paa palayo sa bulding.
Ngunit hindi niya inaasahan nang makita ang kotse nito na nakaparada hindi kalayuan sa paradahan ng mga trycicle at babaan ng jeep. Umakto siyang hindi ito napansin at tahimik na naghintay lamang ng jeep.
Biglang tumunog ang kaniyang cellphone, alam niya kung sino iyon kaya hindi niya pinansin ang tawag na iyon. Nakailang ulit ang caller pagkatapos ay tumigil na rin sa wakas.
Madilim na tanda na wala na ang haring araw at dahil na rin mukhang nagbabadya ang malakas na ulan, wala pa ring jeep na dumadaan. Alas otso kasi ang call time ng mga jeep sa kanila ngunit mag-aalas-syete pa lamang, mukhang huminto na ang mga ito. Ang malas naman. Ayaw niya naman sa trycicle dahil 'di hamak na mas mura ang jeep kaysa tryci.
Nag-vibratee ang cellphone ni Bianca. Sa pag-aakalang baka ang ate niya ang nag-text ay tinignan niya iyon, ngunit si Pietro lang pala.
From: Pietro 😽
Sasakay ka sa kotse ko o lalabas ako at pasasakayin sa kotse?
Parang nagbabanta na anito. Gumala ang paningin ni Bianca, may mga estudyanteng nagsisilabasan. Hindi sila pwedeng makita na magkasama ng Propesor. Kahit ayaw ni Bianca ay napilitan siyang maglakad palapit sa kotse nito at walang makapapansin na pumasok siya.
“It's getting dark outside. Ayon sa balita malakas na ulan ang tatama sa lugar kaya pinauwi na rin muna ang mga estudyante kahit may klase pa.” Imporma ni Pietro sa kaniya habang nagsisimula nang magmaneho ngunit hindi umimik si Bianca.
Sa buong byahe ay tahimik siya, ni walang lumabas na salita o tunog mula sa kaniya. Aktong walang naririnig tuwing magsasalita ito o hindi kaya'y nagtatanong sa kaniya.
Nakauwi na ng bahay si Bianca nang hindi kinikibo ang Propesor at nang magpaalam ito sa kaniya at halikan siya sa mga labi ay hindi pa rin siya kumikibo.
Pabagsak na nahiga sa kama si Bianca at pinakatitigan ang kisame. Hanggang sa manlabo ang mga mata niya dahil sa mga tubig na namumuo sa kaniyang dalawang mata na tuluyan nang nahulog.
YOU ARE READING
MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)
General FictionSYNOPSIS Bianca Martin is a scholar of a private University. Isa siyang sophomore student at kahit hikahos sa buhay ay pipilitin niyang maka-graduate. She's not in good terms with 'life' but she will do everything just to graduate. Unang pasok sa U...