CHAPTER 4
MASAKIT ang ulo at pakiramdam niya ay matutumba na si Bianca anumang oras. Ngunit kahit ganoon ang pakiramdam niya ay pinagpatuloy parin niya ang klase nila sa PE.
Mariin siyang napapikit ng kumirot ulit ang sakit sa sentido niya sabayan pa ng walang laman niyang tiyan.
Napahawak siya bigla sa katabi niya ng makaramdam ulit ng pagkahilo at panlalabo ng paligid.
“Are you okay?” Rinig niyang tanong ni Jake. Ang presidente pala nila ang katabi niya.
Tumango siya at humingi ng pasensya dahil sa walang pasabing pagkapit rito. Ngunit sa pangalawang pagkakataon ay talagang hindi na niya kinaya at natumba.
“Bianca!”
'Yun lamang ang narinig niya at tuluyan ng nawalan ng malay.
NAGISING si Bianca na kulay puting kisame ang bumungad sa kaniya. Nanghihinang ipinalibot niya ang paningin at napagtantong nasa Clinic pala siya ng Unibersidad.
“Miss Martin.” Napabaling siya sa lalakinb nakaupo sa kanang bahagi niya.
“Professor...” Mahinang sambit niya sapagkat ramdam niya ang panghihina ng katawan.
“You made me worry. You shouldn't attend your class if you didn't feel well. And you shouldn't also come into the school if you haven't eated yet.” Malamig na anito sa kaniya at pakiramdam niya siya rin ay manlalamig na.
Napayuko siya at tinignan na lamang ang telang nakakumot sa kaniya. “Pasensya na po. Hindi na mauulit.”
Malakas na napabuntong hininga ang Propesor at saka tumayo. Agad din naman itong bumalik na may dala-dalang pagkain at tubig.
“Eat.”
Kahit nanghihina siya ay kinain niya ang bigay nitong pagkain at hindi na tumanggi pa. Gutom na gutom talaga siya. Hindi kumain si Bianca kagabi, kaninang umaga at kaninang tanghali kaya't ganoon na lamang ang gutom niya.
Sunod-sunod ang subo at paglunok ang ginawa ni Bianca na para bang may aagaw ng pagkain sa kaniya.
“Be careful.” Anito ng mabilaukan siya. Agad itong nag-abot ng tubig at ipinainom iyon sa kaniya.
Ilang saglit lang ang lumipas at nagsalitang muli si Sir Pietro.
“Why are you starving yourself, Bianca?” Masama ang mukhang tanong nito.
Umiling siya at itinuon sa pagkain ang atensyon, “wala po.”
“You tell me or i won't let you attend your class in PE for one month. It will cause a big impact on your grades.” Pananakot ng Propesor sa kaniya at natakot naman siya.
Namimilog ang matang napatitig siya rito. “S-Sir...”
Bumuntong hininga ang gwapong Propesor. “So, what?”
Nilunok niya ang kinakain at parang may bara sa lalamunan niya na pinipigilan si Bianca na magsalita. “Kasi po...” Hindi siya makapagdesiyon kung sasabihin ba niya o magsisinungaling sa butihing Prepesor.
“The time is ticking, Miss Martin.”
Nahihiyang nag-angat siya ng tingin, “w-wala po akong pera...p-pambili ng pagkain...” Kagat labing pag-amin niya sa Propesor.
“F-ck, this is all the Administrators' fault.” Bulong nito na hindi niya narinig. “Bakit ba kasi hindi mo tinanggap ang offer ko sa 'yo?”
“Nakakahiya po, Prof. Saka, wala ho 'to. Ayos lang ako. Sige po, papasok na po ako sa next subject ko.” Akmang tatayo siya ng bigla siyang pinigilan ni Sir Pietro.
YOU ARE READING
MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)
General FictionSYNOPSIS Bianca Martin is a scholar of a private University. Isa siyang sophomore student at kahit hikahos sa buhay ay pipilitin niyang maka-graduate. She's not in good terms with 'life' but she will do everything just to graduate. Unang pasok sa U...