CHAPTER 9

389 5 0
                                    

CHAPTER 9

PAGKATAPOS NGANG magbihis ni Bianca ay lumabas na siya sa banyo. Sigurado ngang nasa ibaba ang Propesor kaya bumaba na siya sa unang palapag ng mansiyon.

Hindi niya ito nakita sa sala, ngunit nang makarinig siya ng ingay na nagmumula sa isang pintuan ay wala sa sariling nagtungo siya roon. Kataka-taka na parang saulo niya ang bawat sulok ng bahay na iyon.

Isa pala iyong kusina. Mukhang nag-iinit ang Propesor ng pagkain sa microwave. Medyo may kabasaan pa ang buhok at iba na ang suot na damit. Mukhang naligo rin ito kanina paglabas sa master's bedroom.

Tumikhin si Bianca upang ipaalam dito ang kaniyang presensiya. Agad namang napalingon sa kaniya si Sir Pietro at napatanga   sa kaniya sa hindi malamang kadahilanan.

Pagkalipas ng ilang sigundo ay natikom nito ang bibig at tumalikod sa kaniya.

“Umupo ka na. This will be quick. We're gonna eat first before we head to the University.” Anito habang busy sa pagkuha ng mga plato at komedor.

Tahimik lamang siyang umupo sa isang high stool sa kusina. May kataasan ang marble table kaya mataas din ang upuan. Nakapalumbaba siya habang pinapanood itong gumagalaw.

Nahihiya man siya dahil isang Propesor ang nagsisilbi sa kaniya. At hindi lang propesor kung'di isa ring CEO at lawyer.

Inilapag nito ang dalawang putaheng ulam sa lamesa na hindi niya alam kung anong tawag, mukhang masarap at sosyal ang itsura. Sunod ay ang kanin saka isang pitcher ng pineapple juice.

Nilagyan nito ng pagkain ang plato niya at juice sa kaniyang baso saka bahagya itong iniusog palapit sa kaniya.

“Eat.” Simpleng sabi nito saka umupo na rin katapat niya.

Napatingin si Bianca sa plato niya, punong-puno iyon at sigurado siyang hindi niya iyon mauubos.

“What are you not moving? Don't you like the food?” Tanong nito sa kaniya.

Umiling si Bianca saka sinimulan na ang kumain. Angtahi-tahimik ng buong bahay. Walang pakalat-kalat na maids at ang nakita niya lang kanina ay mga goons sa labas ng mansiyon, nagbabantay.

Nais niya sanang makita ang anak nito ngunit wala yata rito ngayon ang bata. Parang may nagtutulak sa puso niya na makita ang bata.

“Uhm...” Hindi siya sigurado kung dapat niya bang ituloy ang sasabihin.

“Mm?” Umangat ang isa nitong kilay, nagtatanong.

Naglumikot ang mga mata ni Bianca, hindi alam kung saan titingin. “U-Uh, h-hindi ko nakikita ang anak niyo rito, Prof.” Aniya, bahagya pang nautal.

Ilang saglit na napahinto ang Propesor saka ito nagsalita. “Piero went to my parent's house with his Yaya. So he's not here 'till tommorow.” Anito at ipinagpatuloy ang pagkain.

Kaya pala.

“Wala kayong maids?” Bakit ba hindi niya napigilan ang sariling magsalita? Kung ano-anong tinatanong niya.

Nilingon siya ni Sir Pietro, “i have. They are staying at the house few meters from here.”

Napatango-tango si Bianca. “Bakit may—”

MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)Where stories live. Discover now