CHAPTER 20

374 3 0
                                    

CHAPTER 20


MANANG-MANA sa tatay, gwapo ito at charming. Maganda ang ngiti sa mga labi at masasabi niyang mukhang napalaking mabait itong anak ni Pietro. Ngunit mayroong parte ng mukha nito ang hindi niya mawari, parte ng mukhang hindi galing sa Propesor. Marahil sa ina nito?

“Yes, Dada's here. You slept well, my baby?” Tanong dito ni Pietro habang buhat-buhat ang bata na malambing na nakalingkis dito.

Sunod-sunod na tumango rito si Piero, “opho, Dada. I'm hangly, Dada, haven't eaten my byekfast yet.” Nakanguso ito sa ama at hinaplos ang tiyan na tila ba sumasakit iyon.

“Oh, is that so? You slept too much though, baby.” Ani ng ama rito. Akmang magsasalita ulit ang maliit na bata nang maglumikot ito sa bisig ng ama at mapansin siya.

Nakita niyang natigilan ang bata pagkatapos ay bahagyang nangunot ang makinis na noo.“Mama?” Parang hindi nito siguradong sabi ngunit ngumiti ito kinalaunan. “Mama! Mama to! You'y back!” Tili nito at nagpapapasag sa bisig ng ama upang ibaba siya nito. “Down! Down! Dada!” Agad namang ibinaba ito ng ama sa kadahilanang baka mahulo ito sa kaniyang bisig.

Tumakbo sa kaniya si Piero at wala naman sa sariling napaluhod si Bianca at sinalubong ang damba nitong yakap. Napatigalgal si Bianca nang maramdaman ang napakalambing nitong yakap. Parang gusto niyang maiyak at parang may bara sa lalamunan niya.

Sobrang saya niya na may luha na palang tuluyang tumulo mula sa mga mata niya. Ang labis na saya ay ngayon niya lamang naramdaman, iba ang sayang natatamasa niya ngayon.

Mayroong parte sa puso niya na miss na miss niya ang yakap na iyon. Na tila bang ang yakap na kanilang pinagsaluhan ay yakap na matagal nang dinadaing ng kaniyang katawan.

Hindi siya makapagsalita. Parang naputol ang dila niya. Parang may bara roon na nagpipigil sa kaniyang makapagsalita. Hanggang lunok lang ang kaniyang nagagawa.

“Mit you, Mama. Whey did you dow?” (Miss you, Mama. Where did you go?) Tanong nito sa kaniya habang ang baba ay nakalagay sa balikat niya. Tapos na ang mahigpit nitong yakap sa kaniya ilang segundo lang ang nakalipas.

Nautal na nagsalita si Bianca, ramdam na ramdam niya ang tila lungkot sa boses nito. “A-Ano... Uhm...”  Ano ba ang  sasabihin niya? Hindi siya ang ina nito! Sumulyap si Bianca sa Propesor upang manghingi ng tulong ngunit agad itong nag-iwas ng tingin na para bang hindi nakita ang naghihingi ng tulong niyang mukha.

Paano niya sasabihin sa bata na hindi siya ang ina nito? Na nagkakamali lang ito? At itong lokong lalaki na 'to, ayaw siyang tulungan!

Napapikit si Bianca sa inis sa Propesor at sa pag-iisip kung ano ang sasabihin. Ayaw niya naman itong saktan o gulatin na hindi pala siya ang ina nito. Ibig bang sabihin ay hindi nito kailanman nakita ang ina nito? Sa personal man o sa picture? Ilang buwan si Piero nang umalis ang ina nito? Nakaramdam ng awa si Bianca sa bata.

“N-Nagtrabaho si... si M-Mama para kay Piero. P-Para may... pambili siya ng laruan.” Pagsisinungaling niya sa bata. Jusko naman, napasabak siya ah. Hay, sige, siguro sasabihin nalang niya ang totoo mamaya. Kasi siya ang nakokosensya eh.

Hindi niya alam kung ano ang nasa isip ng Propesor. Kung bakit hinahayaan lang nito ang anak na kilalanin siya bilang ina nito. Okay lang ba talaga ang sitwasyong ito sa Propesor? Prente lang kasi itong nakatayo at nagmamasid sa paligid na akala mo bago iyon sa paningin nito.

Pero hindi maipagkaila ni Bianca na mayroong bahagi ng puso niya na nasisiyahan sa pagtawag nitong Mama sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit? Marahil dahil sa likod ng kaniyang isip au gusto niya ring maging Mama nito.

MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)Where stories live. Discover now