CHAPTER 21
NAKITA NI Bianca na tumakbo palapit sa kanila si Piero kaya naman ay inayos niya ang posisyon at nginitian ito nang patalon itong sumaklot sa kandungan niya. Dahilan para mapahiwalay sa pagkakalingkis sa kaniya ang Propesor na tila linta kung makadikit.
Pinunasan ni Bianca ang mga namumuong pawis sa noo ng bata. May aircon na ngunit pinagpapawisan parin ito, “pawisan na ang baby. Pahinga ka muna.” Aniya at inayos ang pagkakaupo nito sa mga hita niya.
Tumango si Piero at malambing siyang niyakap. Naramdaman niyang basa ang likod nito kaya hinarap niya si Pietro na pinanonood lang silang dalawa.
Hindi niya mabasa kung anong emosyon ang namumutawi sa mga mata nito pero batid niyang natutuwa ang lalaki.
“Kumuha ka ng sando, dali.” Utos niya sa Propesor. Aha, sa school siya ang utusan pero ngayon ay siya naman na ang mag-uutos. Bawi-bawi.
Napairap ang Propesor bago tumayo at naglakad paalis para siguro kumuha ng damit. Ilang saglit lang ang lumipas nang makabalik ang binata at may dala itong sando.
Hinubad niya ang damit na suot ni Piero at napatigil nang makita ang pulang balat nito sa bandang tagiliran. Hindi kalakihan ngunit pansin sa malapitan.
Nagdadalawang isip siyang hinaplos iyon. “B-Bakit may balat siya d-dito?” Nagtatanong ang kaniyang mga mata na tumingin sa binata.
Tumikhim ang Propesor, “uhm... He get that when he was a child. An accident?” Napangiwi ito sa hindi malamang dahilan. “Yes, an accident. It didn't fade. It's not that bad and Piero doesn't want to go to hospital for a treatment so we leave it that way.” Mahabang paliwanag ni Pietro.
Muli niyang tinignan ang pulang balat nito. Akala niya ay kung ano na. Bigla siyang kinabahan nang makita ang balat nito roon.
Pagkatapos maglaro ng bata ay nagtungo sila sa theater room upang manuod.
Manghang-mangha si Bianca. Sa bahay niya ay walang tv ngunit dito ay mala-sine ang dating. Pinanuod nila ang Paw Patrols at ilan pang cartoons hanggang sa makaramdaman silang tatlo ng gutom dahil tanghalian na pala.
Pagkatapos ng tanghalian, sila'y nagtungo sa likod-bahay upang magpahinga kung saan may mala-paradise na lugar.
“Wow.” Manghang ani Bianca nang makarating sa labas. Maganda ang harapan ng bahay ngunit mas maganda pala rito sa likod.
Maraming puno, iba't ibang bulaklak, may mga bush, may swimming pool sa gilid na may manmade falls at sa tingin niya ay may manmade cave rin malapit doon. Sa isang banda naman ay may mga cabana na mukhang maaliwalas, at ang mga puting kurtina ay hinahangin.
Doon sila nagtungo upang patulugin ang bata. Pinahiga na niya si Piero ngunit nais din ng bata na humiga si Bianca upang mayakap siya.
“Mama, plit, yey down.” Pakiusap ni Piero sa kaniya, “want hug Mama.”
Napangiti si Bianca, “oo, ito na, hihiga na si Mama.” Siniko niya ang Propesor na nakayakap sa baywang niya muli sa likod kaya naiinis na binitiwan siya nito. Humiga si Bianca sa tabi ni Piero na kaagad siyang mahigpit na niyakap.
Hinaplos-haplos ni Bianca ang buhok ng bata upang makatulog na ito. “Sleep, baby.” Aniya.
“Mama...”
“Hmm?”
“When Piero wate up, Mama it ittil heyr?” (When Piero woke up, Mama is still here?) Kukurap-kurap nitong tanong, antok na.
Huminga ng malalim si Bianca bago sumagot. “Oo naman, baby. Kaya sleep ka na, okay? Mama's here.” Ano ba 'yan, napapa-english na tuloy siya. Tumango si Piero at kalaunan ay nagiging mabigat na ang paghinga nito tanda na tulog na ang bata.
YOU ARE READING
MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)
General FictionSYNOPSIS Bianca Martin is a scholar of a private University. Isa siyang sophomore student at kahit hikahos sa buhay ay pipilitin niyang maka-graduate. She's not in good terms with 'life' but she will do everything just to graduate. Unang pasok sa U...
