CHAPTER 23

343 5 5
                                    

CHAPTER 23

NANG MAKALABAS si Ma'am Sandra sa opisina ng Propesor ay saka lamang lumabas si Bianca sa ilalim ng lamesa. Medyo pawisan pa siya dahil mainit sa ilalim kahit na nga may aircon.

Nagtungo siya sa pintuan at agad ni-lock iyon bago naupo sa sofa at isinandal ang likod sa headress. Nakakangawit na naka-tungo siya doon ng ilang minuto. Angdami pa kasing sinabi ni Ma'am Sandra kaya wala siyang nagawa kung'di ang maghintay na makaalis ito.

Nakapikit ang matang minasahe ni Bianca ang balikat at hindi namalayang tumayo na si Pietro sa swivel chair nito at lumapit sa kaniya. Saka lang niya namalayan nang may maramdaman siyang kamay sa magkabilang balikat at mga labi sa bandang tainga niya.

Hindi pinansin ni Bianca ang presensya nito at hindi rin minulat ang mga mata.

Naiinis siya dahil pumayag ito sa imbitasyon ng gurong si Ma'am Sandra. Hindi niya alam kung bakit gano'n ang reaksiyon at nararamdaman niya, basta ayaw niya lang. Iba ang pakiramdam niya na mangyayari eh.

"Babe..." Mahinang usal ni Pietro mula sa kaniyang likuran. Nanindig ang balahibo niya nang ihipan nito ang kaniyang tainga. "I just need to attend that party. Mr.Quangco was there. I can't let that pass." Anito.

"Sino ba si Mr.Quangco?" Tanong niya. Mukha kasing importante ang taong iyon. Ngunit nabanggit ni Ma'am Sandra kanina na isa itong senador.

Ang Propesor ang siyang nagpatuloy sa pagmamasahe sa balikat niya nang tuluyan niya iyong bitiwan, "someone important." Sabi lang nito na parang ayaw magbigay ng impormasyon sa kaniya.

Napanguso si Bianca, "mukhang may balak si Ma'am Sandra eh..." Sino naman ang nasa kalagayan niya kanina na rinig na rinig ang pinag-uusapan nila ang hindi iisipin na may binabalak ito?

Bahagyang natawa ang Propesor sa kaniyang sinabi na mas ikinanguso niya.

"Pupunta ako do'n para kay Mr.Quangco, hindi para kay Ma'am Sandra." Malambing nitong sabi.

Napairap si Bianca sa hangin,"basta, naiinis ako sa 'yo!" Inis siyang tumayo, binuksan ang pintuan at pabalyang binagsak ang pintuan ng opisina nito.

Hindi niya naisip ang ginawa at nang mapagtanto iyon ay kagat labi niyang inikot ang paningin, baka may nakakita. Buti nalang at wala naman kaya nagsimula na siyang naglakad pabalik sa building nila.

Napalobo ng pisngi si Bianca maalala ang ginawa niya.

'Ano na naman ba ang inakto ko? Nakakahiya!'

Paano nalang kung isipin ng Propesor na immature siya at gano'n ang inakto niya?

Bagsak ang balikat na nagpatuloy siya sa paglalakad, para parin siyang pinagsakluban ng langit at lupa nang makarating siya sa classroom nila.

"Oh, bakit ganyan ang itsura mo?" Ani Charlie.

Umiling lang siya at umupo na sa upuan niya, papasok ang adviser nila dahil may importante daw itong sasabihin sa kanila. Ngunit nang kumatok ang pintuan ay niluwal no'n ang Propesor at napa-face palm nalang si Bianca. Ano ang ginagawa nito rito?

"Good morning, students." Nakangiting bati nito sa kanila, at ang masama ay hindi man lang siya nito tinignan!

Nang-iinis!

MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)Where stories live. Discover now