PROLOGUEPagod man at puyat dahil madaling araw ng siyang nakauwi galing sa trabaho ay pinilit parin ni Bianca na bumangon at maghanda sa unang araw ng pasok niya.
Nagtratrabaho siya bilang Waitress sa isang liblib na bar hindi kalayuan sa kanilang lugar. Wala nang mahanap na ibang trabaho pa si Bianca bukod doon kaya pinatos na niya. Sayang din ang kita at marangal naman iyong trabaho.
Nakatira siya sa isang tenament sa pinakadulo at huling palapag. Maayos naman ang buhay niya, kumpara sa mga nakatira sa kalsada. May maayos na tinutuluyan at hindi nababasa tuwing umuulan.
Sumakay lang siya sa jeep hanggang makarating sa Trinidad University. Agad niyang inilabas ang ID upang gamitin as Student Pass dahil No Id-No Entry ang policy sa naturang eskwelahan. Pagkarating na pagkarating sa classroom nila ay halos puno na ang mga upuan.
Nakatungo si Bianca habang naglalakad papasok at walang ingay na naupo sa isang bakanteng upuan.
She's an accountancy student. Minsan iniisip niya na parang mali yata ang naging desisyon niyang pagkuha sa kursong ito. Hindi pa man nagsisimula ang academic year, pagod na pagod na siya.
“Bianca.” Rinig niyang tawag sa kaniya ng kung sino. Napaangat siya ng tingin at napagtantong si Jasmine iyon. Isa sa malapit niyang kaibigan sa University, magkaklase sila at accountancy rin ang kinuha nito.
“Bakit?” Mahinhin at hindi makabasag pinggan ang boses niya.
Ibinigay nito ang isang papel. “New schedule mo 'yan. You didn't go here sa University kaya pinaabot nalang. Where did you go ba?” Maarte nitong tanong sa kaniya.
Napaiwas siya ng tingin upang hindi nito mabasa ang kasinungalingan sa mga mata niya. “B-Binisita ko kasi sila ate Bellaria...” Sagot niya kahit ang totoo naman ay naghanap siya noon ng panibagong trabaho.
Hindi niya ikinakahiya na isa siyang working student, ngunit kilala niya si Jasmine, paniguradong buburyuhin lang siya nito kapag nalamang nagtatrabaho siya.
Napatango-tango ito, “gano'n ba? I see.” Akala niya ay hindi na ulit ito magsasalita ngunit nagsalita ulit ito. “Have you heard about our new professor? First subject natin iyon eh. 3 hours.”
Napakunot ang nuo niya sa sinabi nito. “Ha? Hindi naman. Nasaan daw ba si Ma'am Madrigal?” Tanong niya.
Nagkibit ng balikat si Jasmine, “eh, malapit na daw ang dew date niya. Proxy lang ang new prof. natin hanggang sa maka-recover siya sa panganganak.”
Napatango-tango si Bianca. “Ah, matagal na daw bang nagtuturo dito?” Tanong niya ulit kay Jasmine. Hindi niya alam ngunit bigla siyang nakaramdam ng excitement na makita ang substitute professor na sinasabi nito.
Umiling naman ang dalaga sa kaniyang harapan. “Kahit ata sa ibang department ay hindi siya nagturo. As in, bago palang siya. Sabi nila sobrang gwapo raw.” Kinikilig na anito at tila nagkislap ang mga mata.
Tumango nalang siya at hindi na nagsalita. Hindi siya katulad ng ibang mga babae na mahilig sa mga gwapo o ano pa man, sa isip niya kasi ang prayoridad niya ang kaniyang pag-aaral.
Habang inaabala niya ang sarili sa pagbabasa ng libro ay biglang umugong at umingay sa labas ng classroom nila. Napatakip siya sa tainga dahil sa sobrang lakas ng impact niyon sa sistema niya.
“Bakit sila nagtititilian sa labas?” Tanong ng isa nilang kaklase, puno ng pagtataka ang mukha.
“May nangyari bang masama?” Sabi naman ng isang binatilyo na akmang tatayo ng magsalita si Jake Martinez, ang nakaraang presidente ng klase na paniguradong presidente rin nila ngayon.
YOU ARE READING
MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)
General FictionSYNOPSIS Bianca Martin is a scholar of a private University. Isa siyang sophomore student at kahit hikahos sa buhay ay pipilitin niyang maka-graduate. She's not in good terms with 'life' but she will do everything just to graduate. Unang pasok sa U...