CHAPTER 15

376 7 0
                                    

CHAPTER 15

DUMATING ANG wednesday at na-discharge na si Giro sa hospital. Pinagbuksan ni Bianca ng pintuan ang mga-ina habang ang ate niya ay tulak-tulak ang wheelchair ni Giro. Kagagaling lamang nila sa hospital kung saan nag-stay ang pamangkin niya.

"Dito kayo sa pangalawang kwarto, ate." Aniya saka pinapasok ang mga ito sa pangalawang kwarto na dati ang mga laman ay samot-saring karton. Tinapon na niya ang mga laman niyon saka bumili ng mumurahing kama na matibay rin naman.

Maayos at maaliwalas ang kwarto upang komportable ang ate at pamangkin niya. Pinagpahinga niya muna ang dalawa habang siya naman ay nagluto para sa dinner nila.

Chopseuy ang niluto ni Bianca dahil healthy iyon at ang mga nutrients na nasa gulay ang kailangan ng pamangkin upang bumalik ang lakas nito.

Nang magising ang mag-ina ay kumain na rin sila kaagad. Pagkatapos ay pinagpahinga muli ng ate niya si Giro saka bumalik sa kusina.

"Ako na ang maghuhugas ng pinggan." Ani ate Bella.

Umiling si Bianca, "kaya ko na po, ate. Samahan mo na lang si Giro sa kwarto baka biglang maalimpungatan at hanapin ka." Sabi niya rito habang nagliligpit. Ngunit hindi umalis ang ate niya at umupo sa isang upuan.

"Magkano ang babayaran natin sa Propesor mo? Maghahanap na ako ng trabaho bukas na bukas para unti-unti tayong makabayad." Anito.

Tumikhim si Bianca, kung siya nga ay ayaw pagbayarin ng Propesor, ito pa kaya. "H'wag mo ng alalahanin 'yon, ate. Ako na ang bahala." Aniya.

Umiling si ate Bella, "hindi pwede iyon. Kailangan kahit papaano ay may itulong ako sa pagbabayad sa utang natin sa Propesor mo." Ang kaso nga ay ayaw nitong magpabayad.

Napakamot sa ulo si Bianca, "e-eh kasi ate..." Paano niya ba sasabihin.

"Bakit?"

Bumuntong hininga siya, "ayaw magpabayad ni Sir Pietro, ate, eh. Ilang linggo ko nang pinipilit na magbabayad ako pero ayaw naman niya." O ang dapat niyang sabihin ay nakabayad na siya rito. At halik iyon. Pero paniguradong hindi iyon magugustuhan ng ate niya.

Sumeryoso ang mukha ni ate Bella, "ano ba talaga ang namamagitan sa inyo ng Propesor na iyon, Bianca?" Napatigil si Bianca sa tanong ng ate, nagulat siya roon.

"Uhm..." Hindi siya makatingin sa kapatid, "n-nanliligaw po siya... sa'kin." Nakatungong aniya. Hindi niya nakita kung ano ang naging reaksiyon ng ate niya dahil sa nakatungo siya.

Pagkatapos ng katahimikan na namayani sa pagitan nilang dalawa ay nauna itong nagsalita. "Sigurado ka ba sa pinapasok mo?"

Napatingin siya rito, hindi niya alam kung ano ang isasagot. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya talaga sigurado kung tama ba ang pinasok niya.

"Professor mo siya, paniguradong lalabas at lalabas ang relasyon mo sa kaniya. Walang sekretong hindi nabubunyag, tandaan mo 'yan. At kapag nangyari iyon, mawawalan ka ng scholarship kahit na sabihin na ito ang may-ari ng eskwelahan. May mga head admin at administrators na siyang kasama sa magdedesisyon sa pagtanggal sa'yo. Kukutyain ka ng mga tao at mawawalan siya ng lisensya dahil labag iyon sa batas. Pero wala namang kaso iyon sa Propesor mo dahil may iba pa siyang trabaho. Pero ikaw, wala pa. At maaaring hindi ka na makapasok sa iba pang Universidad dahil sa issue mo." Tumayo ang ate niya at nagtungo sa pintuan.

MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)Where stories live. Discover now