A/N: Kayo ha, h’wag itong gagayahin. Bawal makipaghalikan sa school! Maliban nalang kung owner. Hahaha, hindi, joke lang. Aral muna.
CHAPTER 10
Ang mga braso ni Bianca ay pumulupot sa batok ng Propesor habang patuloy parin silang naghahalikan. Ang bawat lapat ng labi sa isa’t-isa ay tila ba may bumubuhay sa kaniyang kaloob-looban.
Ang dila nito ay pumasok sa loob ng kaniyang bunganga at nag-a-ala dora explorer dahil sa paggalaw nito sa loob na siyang nabibigay ng paru-paro sa kaniyang puson.
Humigpit ang hapit sa kaniya ng Propesor at ang mga halik ay mas lalong lumalim at nagiging senswal. Ang kaliwang kamay nito ay nakahawak na sa kaniyang batok at pilit na mas pinapalalim ang halikan nilang dalawa.Nang hindi na nakayanan ni Bianca dahil naubusan na siya ng hininga ay siya na ang nagbigay distansya sa kanilang mga basang labi at tinitigan ang mga mata nito.
“B-Baka may makakita sa atin…” Mahinang sabi niya dahil hinihingal pa siya at pinupunan ang katawan ng nawalang hangin.
Hinaplos ng Propesor ang kaniyang panga at hinalikan siya roon. “I don’t care, Bianca.”
Bigla ay para bang muli siyang hinihingal sa ginawa nito sa kaniyang panga at ang marahang pagtaas-baba ang kamay nito sa kaniyang maliit na beywang.
“Professor…”
“Call me Pietro.” Paos na bulong nito na tanging silang dalawa lang ang nakakarinig.
Inipon ni Bianca ang lakas upang banggitin ang pangalan nito ng hindi nahihiya. “Pietro…”
Naramdaman ni Bianca na ngumiti ang Propesor at muli siyang nilamukos ng halik sa mga labi, ngunit agad din namang natapos. “Sounds good.” Sabi nito at hinalikan na naman siya sa panga. “I really love kissing your chin ever since then. You’re so sexy.” Magkalapit sila kaya rinig na rinig niya ang bulong nito.
Kumunot ang noo ni Bianca sa narinig. Ever since then? “Ha?” Baka namali lang siya ng narinig.
“Nothing.” Pinatakan nito ng halik ang kaniyang leeg bago ito tumayo ng maayos. “Let’s go. Baka tuluyan na tayong hindi maka-attend ng foundation.” Ngumisi ang binata sa kaniya at doon lang narealize ni Bianca ang ginawa nilang kababalaghan sa tapat ng 3rd building!
Agad siyang humiwalay sa binata at mabilis na tumalilis ng takbo. Nakakahiya!
“Bianca! Come back here!” Rinig niyang sigaw ng Propesor ngunit nahihiya talaga siya na mas tinalo niyon na muling harapin ang binata at unmaktong wala lang.
Nakipagl-lalapan lang naman siya sa Propesor! At sa loob pa ng paaralan! Oh God please, patawarin niyo po ko. Lihim niyang sabi. Ngunit taksil ang kaniyang mga labi dahil bumubuo roon ang isang walang hanggang matamis na ngiti!
“Ahem. Someone here is happy.” Bungad sa kaniya ni Jasmine kasama ang boyfriend nitong naka-jersey dahil nga may laban.
Hindi niya pinansin ang babae at naupo sa isang upuan roon. Mukhang nagbabantay rito sa auditorium ang magkasintahan, mamaya ay pupunta sila sa gym upang manuod ng laban.
“Snob ang ate niyo oh. Kumusta ka? Bigla kang nawala tapos sabi ni Sir Pietro ay nahilo ka raw kaya umuwi ka muna.” Ani Jasmine. Nagpasalamat siya sa Propesor sa kaniyang isip dahil hindi nito sinabi ang totoo. Ayaw niya namang kung ano-ano ang isipin ni Jasmine.
Ngumiti siya sa dalaga, “yeah. Medyo nakulang talaga ako sa tulog dahil nga sa paghahanda.” Sabi nalang niya.
“Aww. Buti nalang talaga nakapagpahinga ka na.” Sabi nito.
YOU ARE READING
MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)
General FictionSYNOPSIS Bianca Martin is a scholar of a private University. Isa siyang sophomore student at kahit hikahos sa buhay ay pipilitin niyang maka-graduate. She's not in good terms with 'life' but she will do everything just to graduate. Unang pasok sa U...