CHAPTER 25

388 7 0
                                    

CHAPTER 25

Nagising ang Propesor mga alas dose na ng tanghali. At bago ito nagising ay napagluto na niya ang lalaki. Naglakad siya pabalik sa kwarto upang tawagin na si Pietro na nadatnan niyang nakahilata sa kama niya habang yakap-yakap ang kaniyang unan.

“Halika na, kumain ka muna.” Aya niya rito at pinatay na ang nakasinding ilaw saka binuksan ang bintana. Tila nasilaw ang lalaki kaya umungot ito at nagtakip ng unan.

Gustong matawa ni Bianca. Parang bata.

“Sige na, maghahanda pa ako sa pagpasok.” Lumapit na siya rito upang hilahin ang unan na nakatakip sa mukha ng lalaki. “Tara na— ayy!” Bigla siya nitong hinigit sa baywang kaya napadapa siya sa patigas nitong dibdib at tiyan. Natatawang pilit siyang kumawala ngunit hindi siya nito hinayaan.

“H'wag ka munang pumasok.” Anito sa malambing na boses.

“Hindi pwede, ayaw ko.” Agad niyang tanggi. Ba't ba gusto nitong um-absent siya? Hindi iyon gawain ni Bianca. Pinahahalagahan niya ang pag-aaral niya.

Malamlam ang matang nakatitig ito sa kaniya, “your professor is absent today. I asked the faculty office. Wala ka ring gagawin sa University. So, stay with me.” Mas humigpit ang yakap nito sa kaniya.

Hindi na umalma si Bianca sa narinig. Sayang lang sa pamasahe at oras kung pupunta siya sa campus. Advantage pala na lagi niyang kasama ang Propesor. Natawa siya sa naisip.

“Okay, pero bumangon na tayo. Alas dose na, kain na.” Ilang minuto pang nagpapilit ang Propesor bago niya napapayag na bumangon na para kumain.

Pinaupo niya ang Propesor sa isang silya saka inihainan. Nang matapos siya ay hinigit siya ni Pietro upang mapaupo sa kandungan nito.

“Kakain na eh...” Mahina niyang sabi, nahihiyang nakatingin dito.

Hinawakan nito ang pisngi ni Bianca at nakipagtitigan. Ano bang ginagawa nito? Umangat ang kilay niya sa lalaki, nagtatanong kung anong trip nito ngayon. Hanggang sa unti-unting lumapit ang mukha nito sa mukha niya at malambing na inangkin ang mga labi niya.

Napakapit siya ng mariin sa batok ng Propesor at siya na mismo ang nagdiin sa halikang nangyayari sa kanilang dalawa. Sumisipsip sa kaniyang labi at kinakagat-kagat iyon.

Nang hindi na makahinga si Bianca ay siya na ang nagputol ng halikan nila ngunit hinabol ng mga labi ni Pietro ang mga labi niya at muling pinagdikit ang mga iyon..

“S-Sandali,” sinubukan niyang magsalita sa pagitan ng halikan nila, “h-hindi na ako makahinga.” Paos na sabi niya at huminga ng malalim nang tumigil na ito at hinayaan nang makaalis sa pagkakalapat sa mga labi nito ang labi niya.

“Damn it, anghirap magpigil.” Nahihirapang bulong nito at sinubsob ang mukha sa dibdib niya.

Napangiti siya sa sinabi nito. Alam naman niya kung gaano kalakas ang kontrol ng Propesor sa sarili. Pero alam niya din naman na nahihirapan din ito, lalo na sa ibabang bahagi ng katawan nito na lagi niyang nararamdaman.

Hinaplos niya ang likod ng Propesor, “tama na, kumain ka na.” Aya niya rito at kumalas rito ngunit hindi siya binitawan ni Pietro.

“Masarap?” Malapad ang ngiting tanong niya sa Propesor nang tikman nito ang luto niya. Hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi niya alam kung nagustuhan ba nito iyon o hindi.

“Uhm... water, please.” Sabi nito kaya naman ay aligaga siyang nagsalin ng tubig sa baso at inabot iyon dito.

Kinakabahan si Bianca dahil sa reaksiyon ng lalaki. Alam naman niyang masarap siyang magluto pero, paano kung hindi nga masarap? Baka may mali siyang nailagay?

MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)Where stories live. Discover now