CHAPTER 8

407 7 4
                                    

CHAPTER 8

BAGO MAG-LUNCH nga ay nakalabas na sila Bianca sa hospital. Pinilit-pilit pa niya ang Propesor dahil ayaw nito at sa susunod na araw nalang daw pero ayos naman na ang pakiramdam niya.

Dapat kanina pang umaga ngunit nakatulog ang Propesor at dahil kasalanan naman ni Bianca kung bakit puyat ito ay hinintay nalang niyang magising.

At ngayon nga ay nakasakay siya sa sasakyan ni Sir Pietro patungo sa Tenament. Hindi kasi ito nagpatalo nang sabihin niyang mag-isa nalang siyang uuwi at pupunta ng school mamayang ala-una. Tatlong araw kasi ang Foundation Day nila.

Bumati ang kaniyang mga kapit-bahay nang makita siya at si Sir Pietro.

“Bakit ngayon ka lang, Bianca?”

“M-May emergency lang pong pinuntahan, sige po.” Agad niyang paalam sa mga ito dahil baka kung ano-ano pa ang itanong sa kaniya at hindi niya masagot.

Nagpapasalamat siya dahil hindi naman nagsalita ang Propesor na nasa tabi niya at bahagya lamang ngumiti sa mga kapitbahay niya.

Agad naman silang dumiretso sa kaniyang bahay nang patawirin sila ng mga ito. Ngunit ang hindi niya inaasahang tao ang nadatnan niya sa kaniyang bahay.

“A-Ate?” Gulat na aniya nang makita ang kapatid na nakaupo sa kaniyang kawayan na sofa at umiinom ng juice. Mukhang pinakaealaman nito ang kaniyang mga pagkain sa ref. Hindi na siya nagulat pa roon.

“So, totoo nga na sumasama ka sa mas matanda sa ‘yo, Bianca. At talagang sinama mo pa rito sa bahay.” Naglakad ito patungo sa kaniya at walang ingat na inilayo sa Propesor. Masyadong mahigpit ang hawak nito sa kaniyang braso kaya naman ay napapikit siya sa sakit. “Walang kwenta ang pag-aaral mo!” Akma siya nitong sasampalin ngunit may pumigil sa mga kamay ng kapatid.

“You can’t hurt Bianca.” Pagkatapos ay buong ingat siyang hinila sa tabi nito dahilan para mabitawan siya ng kapatid. “What’s wrong with eigth years age gap, Ma’am? It doesn’t matter.” Ani Sir Pietro na mahigpit ang hawak sa braso niya kaya mas lalo siyang napadikdik sa gilid ng katawan nito.

Gulat si Bianca sa mga sinabi ng Propesor. Ano ang pinagsasabi nito?  Gayunpaman, nagpapasalamat rin siya dahil iniligtas siya nito mula sa pagsampal ng kaniyang kapatid. Wala pa kasi siyang lakas para makatanggap ng sampal ulit mula rito.

Ngumisi ang kaniyang ate sa kanilang dalawa ni Sir Pietro saka tinaasan ng kilay. “Ang lalaki ng malandi kong kapatid. Ano ba ang maipagmamalaki mo ha? Wala kang karapatang makisali sa aming magkapatid, naiintindihan mo ba?!” Bulyaw nito sa Propesor.

Nababahala si Bianca dahil baka marinig ng mga kapitbahay niya ang nangyayari dahil sa lakas nang sigaw ng ate niya.

Nahihiya na si Bianca kay Sir Pietro dahil sa mga pinagsasabi ng kaniyang kapatid. “Sir Pietro...” Mahina niyang tawag sa binata ngunit ni isang sulyap ay hindi siya binigyan.

“How dare you call her slut? Are you really her sister?” Masama ang timpla ng mukha ng Propesor at halatang hindi nito nagustuhan ang sinambit ng nakatatandang kapatid.

“Sino ka ba?!” Sikmat ng ate niya.

Mas seryoso pa sa seryoso ang mukha ng Propesor. Mabilis na nagbago ang mukha nito at napalitan ng nakatatakot na itsura. Umiigting ang panga na tanda ng galit at nakamamatay na titig.

“I am Pietro Salvacion, a professor.” Walang emosyong sagot nito.

“’Yun lang?” Tila na nangiinsultong sabi ng kaniyang kapatid. Tinignan siya ng kapatid, “pumatol ka sa ganiyang tao, Bianca?!”

MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)Where stories live. Discover now