CHAPTER 5

445 7 0
                                    

CHAPTER 5

HINDI nakatulog si Bianca kinagabihan dahil sa sinabi ng Propesor at sa mga sumunod pang araw. Nahihiya man siyang aminin ngunit kinilig siya sa sinabi nito lalo na tuwing naaalala ang baritonong boses ng lalaki. Na para bang... nang-aakit?

At dahil nahihiya siya sa Propesor dahil sa nangyari nakaraang lingo na ang nakalilipas, umiiwas siya sa lalaki.

Masama ang tabas ng mukha ni Sir Pietro pagkapasok sa klase nito sa kanila. Hindi man lang ito bumati at agad na nagsimulang magsulat sa white board.

“We have a long quiz today. 1-60. I won’t let you pass this sem if you got 45 below score. I’ll give you 5 minutes to review, now!” Lahat sila ay napaigtad dahil sa sigaw nito at nagmamadaling nagbuklat ng notes.

Nakagugulat dahil hindi naman ito karaniwang naninigaw kapag klase. Siguro ay may problema na naman lang ang Propesor kaya’t ganoon na lamang ito umakto.

Kabado si Bianca habang hinihintay na ianunsyo ang nakuha niyang score. Ilang gabi siyang hindi nakatulog ng maayos kaya't bangag na bangag ang pakiramdam niya. Tapos ngayon ay nagpa-long quiz ito, kinakabahan siya.

“Martin Bianca, 59.” Walang katuwa-tuwang anunsiyo nito. Malapad siyang napangiti dahil tiyak na hindi siya babagsak dito dahil mataas ang nakuha niyang score. Ngunit masama siyang tinignan ng Propesor na ikinawala ng kaniyang ngiti. “What is this? Iisa na nga lang hindi mo pa naitama!” Sigaw muli nito kay Bianca.

Nanlaki ang mga mata ni Bianca at napayuko nalang dahil naramdaman niyang sumakit ang ilong niya tanda na malapit na siyang maiyak.

Gayunpaman, ikinatuwa naman nilang seksiyon dahil ang pinakamababa ay 50. Lahat sila ay pinagalitan pa nito bago lumabas ng classroom na hindi nila alam kung saan nagmumula.

Agad na nagbulungan at nag-usap ang klase dahil sa ginawa ng Propesor nang tuluyan nitong nilisan ang kanilang silid-aralan.

Naramdaman niyang siniko siya ni Jasmine. “You okay, Bianca? Baka wala lang talaga sa mood si Sir Pietro.” Pag-aalo nito sa kaniya. Tumango na lamang siya kay Jasmine at wala ng sinabi pa.

Napaayos sila ng upo dahil biglang pumasok ang adviser nila sa classroom. “ Good morning my lovely students.” Bati ng ginang na si Mrs. Delos Reyes.

“Good morning, ma’am.”

Nakangiti ang ginang nang muli itong magsalita. Ganoon naman ito dati-rati pa. “Your time today is vacant so I took this opportunity to announce to all of you our Foundation Day is coming.” Bumaling ito sa kanilang Presidente, si Jake. “Mr.Martinez, I’ll pass you the responsibility. We’ll talk about this in my office now while you, students, get your lunch.”

Nagpasalamat sila sa guro at lumabas na ng classroom. Kung ang iba ay excited, siya naman ay nagsisimula ng mamroblema. Siguradong may ambagan at wala siyang pera para doon.

TAHIMIK siyang naglalakad sa Corridor patungong Cafeteria. Mag-isa lang siya dahil may pinuntahan si Jasmine at si Charlie naman ay nasa Gymnasium.

“Miss Martin.” Napapikit si Bianca nang marinig ang malamig na boses na iyon. Hindi pa rin niya nakalilimutan ang ginawa nitong pagsigaw sa kaniya kanina.

Dahan-dahan niyang hinarap ang lalaking pinanggalingan ng boses na iyon at hindi nga siya nagkakamali.

“Professor…” ‘Yun na lamang ang naisatinig niya.

“In my office. Now.” Matigas na sabi nito at nauna nang naglakad.

Tahimik na nakasunod lamang si Bianca sa Propesor at hindi nagtangkang magsalita. Wala rin naman siyang sasabihin.

MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)Where stories live. Discover now