CHAPTER 11

366 6 0
                                    

CHAPTER 11

PAGKATAPOS MALIGO at kumain ay agad na bumalik si Bianca sa eskwelahan. Nagtungo muna siya sa classroom nila at nadatnan roon ang mga kaklaseng mukhang problemado.

Nang mapansin ng mga ito na dumating na siya ay agad-agad na tumayo si Jasmine na hinila siya papalapit sa nag-iipon-ipon na kaklase.

“Bakit?” Takang tanong niya sa mga ito.

Si Charlie ang sumagot na para bang katapusan na ng mundo. “Girl, ang  panglaban for the pageant later na si Tanya ay nagkaroon ng emergency sa bahay nila. Nahospital daw ang Mommy niya because of heart attack. We asked her if she could make it pero hindi raw! My ghad, sino na ang magiging panlaban natin?”

“Hindi pa naman pwedeng walang panlaban ang Accountancy Department.” Segunda ng isa pa nilang kaklase.

Tumango naman si Lesia. “Yeah. Every department has their contestant for this event. Also, this event is one of the biggest event here in TU, we couldn't miss it.” Nakapalumbabang sabi ni Lesia na sinundan naman ni Robert.

“Baka sermunan na naman tayo ng terror teacher natin. Argh, I hate hearing her voice.” Reklamo nito.

Bigla namang namrolema si Bianca. “Ano na ang gagawin natin?” Tanong niya sa mga kaklase.

“Ipinahatid ni Tanya ‘yung mga custumes na susuotin niya. Ang problema, walang magsusuot no’n.”

Napahawak sa sentido si Bianca at parang gusto nalang niyang umuwi kaysa kaharapin ang malaking problemang ito.

“Bakit hindi nalang mag-subtitute? Pwede naman diba? From other class?” Suggest niya. Tumango naman sa kaniya ang lahat.

“Pero wala ngang magsusuot, Bianca. Wala namang may gusto.” Ani Lesia.

Itinuro ni Bianca ang magandang babae. “Ikaw! Sigurado akong kaya mo ‘yun.”

“Pero hindi kasya sa akin ang mga damit at custumes. My body is too big for Tanya’s clothes.” Nakapalumbaba pa ring sabi ni Lesia.

“Jasmine? Ikaw? Magkabody lang kayo ni Tanya.” Turo naman nya sa kaibigan.

Gumuhit ng malaking X ang dalaga sa hangin. “Mapapagalitan ako ng aking basketbolistang bebe. It’s a no.”

“Eh paano ‘yan?” Napaupo na rin si Bianca sa isang upuan doon.

“We can’t contact president. Sadly, pinasabi niya sa pinsan niyang may sakit siya at confiscated ang gadgets niya. Stress na nga rin ang President ng ibang class kasi wala talagang may gusto. At kung may gusto man, hindi naman kasya ang damit.”

Gusto nalang talagang mawalan ng malay ni Bianca. It's a big dissapointment kapag wala silang representative.

“Bakit hindi nalang ikaw, Bianca?” Biglaang sabi ni Shai.

Para siyang namingi sa narinig at napabaling ang ulo rito. “H-Ha?”

“Oo nga, Bianca. You have the same size with Tanya. Mas ma-curvy ka lang sa kaniya at matangkad.”

“Yes, and you’re smart and very pretty.”

“Bianca, ikaw na.”

“Just for this time, Bianca.”

Kinakabahang umiling si Bianca. “H-Hindi. Hindi ko alam kung paano. Wala akong alam diyan.” Sabi niya sa mga ito.  

Wala talaga siyang alam tungkol sa ganyang mga pageant-pageant, ni hindi niya nga kayang rumampa. Ngunit mapilit ang lahat, desperado na magkaroon ng representative para sa dept.

MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)Where stories live. Discover now