CHAPTER 12
PATULOY ang programa at parang hangin iyon kay Bianca. Hindi nga siya sigurado kung tama ang naging sagot niya, pero nang tawagin siya bilang isa sa nakapasok sa top 3 ay nagkaroon siya ng pag-asa.
Hindi man niya ginustong maparito ngunit masaya siya na nakasali siya sa ganitong klaseng programa. Lalo na at marami ang sumosuporta sa kaniya.
Malakas ang kabog ng puso ni Bianca nang announcing of 2nd runner up na. Tumunog ng malakas ang sound system sa buong Gym.
Marahan niyang naramdaman ang lalaking kinulbit siya sa braso. “Ha?”
“Kinakabahan ka?” Tanong sa kaniya ni Roby.
Nag-aalangang ngumiti siya sa binata na kasama niyang lumaban bilang representative ng kanilang department, “medyo.” Aniya.
“The 2nd runner up for Mr. And Ms. Trinidad is candidate number… 8 and… 5!” Pag-aanounce ng Emcee. Nagsigawan at palakpakan ang mga manunuod at nang matapos ang dalawang bigyan ng sash at korona ay nagsitahimikan na ang mga ito.
Para bang nag-aabang sa susunod na sasabihin ng Emcee.
“The number of the contestant that I will announce is the Mr. and Ms. Trinidad of this year. Excited na ba kayo kung sino ang mananalo?!” Tanong ng lalaking emcee sa mga nanunuod. Nagsigawang muli ang mga ito at sinigaw ang kanilang mga pangalan.
Bahagyang natawa ang babaeng emcee. “Sino ang pambato niyo?!” Tanong at talagang may mga sumagot.
“Bianca! Bianca! Robby and Bianca!!” Umaapaw talaga ang sigaw sa mga pangalan nila na galing na rin sa ibang department.
Tumugtog muli ang maingay na sound sa speaker.
“The Mr. and Ms. Trinidad of the year is…” Pabitin ng emcee sa kanila. Kumabog ng mabilis ang kaniyang puso kasabay ng pagsalita nito. “The Mr. and Ms. Trinidad of the year is contestants number 12!” Malakas na sabi ng emcee.
Napatulala si Bianca at parang hindi makapaniwala sa kaniyang narinig. Sila ang nanalo? Hindi nga? Napatalon sa tuwa si Bianca at mababaw na nagyakapan ni Robby.
“Congrats!” Masayang ani Robby.
“You too!”
Walang sawa siyang nakangiti habang sinusuutan siya ng korona, sash at bouquet. At isa na roon si Pietro.
“I’m so proud of you, Bianca.” Nakangiting sabi ng Propesor sa kaniya. Bulong lamang iyon ngunit himig niyon ay puno ng pagkamangha sa kaniya.
Itinago niya ang ngiti saka bumulong rin dito. “Salamat.”
Tilian at sigawan ang namayani sa buong gym. Ang kaniyang mga kaklase ay tuwang-tuwa at sumisigaw ng ‘libre!’. May price kasi and it’s 20 thousand. Sosyal talaga ang T.U. Never niya pang nalibre ang mga ito dahil mayayaman naman pero maano naman na bawasan niya ang perang napanaluhan?
Pagkatapos ng picture taking ay inutusan ni Pietro ang isang photographer na picture-an silang dalawa. Ramdam ni Bianca ang pisngi at batok niyang namula lalo na at pasimple itong hinawakan siya sa likod, ‘yung tipong walang makakita ngunit sa litrato ay mapagkakamalan si Pietro na naka-akbay sa kaniya.
May sinabi ito sa photographer bago ito bumalik sa kaniya.
“You did great.” Seryosong sabi nito, may bahid ng ngiti ngunit ang kasunod ay isang malamig na himig. “But I don’t like that sports and swimsuit outfit, Bianca.”
May tinatagong ngiti na hinarap niya ito, “mas matangkad lang ako kay Tanya ng kaunti. Kaya nagmukhang maiksi ang suot ko.” Aniya, pilit na tinatago ang kilig sa kaloob-looban.
YOU ARE READING
MY HANDSOME PROFESSOR (ON-GOING)
General FictionSYNOPSIS Bianca Martin is a scholar of a private University. Isa siyang sophomore student at kahit hikahos sa buhay ay pipilitin niyang maka-graduate. She's not in good terms with 'life' but she will do everything just to graduate. Unang pasok sa U...