Dahil available na po ang printed version ng The Mansion sa MIBF and from Bookware, share ko lang 'tong special chapter niya dahil na-miss ko sila. 'Yung continuation ng kuwento nito eh medyo super epic na komplikadong nobela na konektado sa ibang series kaya hindi ko pa sinusubukang harapin.
Also pasensya na po at wala ako sa MIBF 2022. Nasa malayo po kasi ako at hindi p'wedeng bumiyahe due to personal, medical and family reasons ahehe pero sana po suportahan pa rin ninyo sina Aaron at Hazel. Thank you! Miss ko na kayo dito sa Wattpad! I'll do my best to come back as soon as I can.
In the meantime, daanan na lang po muna n'yo ako sa Twitter or sa Ko-fi kung saan mas madalas po akong pakalat-kalat. Thank you ulit! Ingat lagi! ( ˘ ³˘)♥
🌑
NANG MAGMULAT ng mga mata si Aaron, hindi niya masabi kung gising na ba siya, kung nananaginip pa rin o kung nag-astral project na pala siya at nasa labas na naman siya ng katawan niya nang walang kalaban-laban. He could still taste the blood, the salt and the smoke. Kumurap siya nang ilang beses at kinilala ang silid bago niya napagtanto na silid nila iyon ni Hazel. Ibinaling niya ang ulo sa kanan kung saan nakahiga ang girlfriend niya na mahimbing pa rin ang tulog. Nasisinagan ng liwanag ng buwan ang maganda at payapa nitong mukha.
Inabot niya ito pero huminto sa ere ang kamay niya bago ito mahawakan. Parang masyadong marumi ang pakiramdam ng kamay niya para idantay kay Hazel.
Marahan siyang bumangon at lumabas ng silid para pumunta sa banyo. Bahagya siyang nasilaw nang bumukas ang ilaw at kumurap siya sa liwanag bago siya tumayo sa tapat ng lababo. Tiningnan niya ang sarili sa salamin.
Minsan pakiramdam niya hindi niya kilala ang sarili niyang mukha.
Pinihit niya ang gripo saka siya naghugas ng mga kamay. Pagkatapos ay naghilamos siya, saka muling tiningnan ang sarili sa salamin. Namumula ang mga mata niya at maitim ang ilalim ng mga iyon. Halatang kulang siya sa tulog at sobra sa stress, pero wala siyang magawa dahil habang natutulog siya saka siya nakakadama ng stress.
It was the damn dreams. Apoy at mga anino, mga tinig na nagsusumamo at nang-aakit, 'yung pakiramdam ng kapangyarihang dumadaloy sa ugat niyang parang kidlat...
At 'yung aklat. 'Yung aklat na minsan na niyang winasak nang sirain nilang magpipinsan ang kubo ni Reyes dahil ayaw niyang tanggapin ang madilim na pamana sa kanya ng mga ninuno niyang namuhay sa kasamaan. Ang aklat na tila alam na niya ang laman ng bawat pahina dahil nabasa na niya ang nakasulat doon sa mga panaginip niya.
Pakiramdam niya parang nabahiran siya ng abo.
Ng apoy.
Ng dugo.
Muling pinihit ni Aaron ang gripo sa lababo saka siya pumunta sa shower area para maligo. Kulang ang hilamos at hugas ng kamay sa karumihang nadarama niya. Hindi siya babalik sa kama para tabihan si Hazel na ganoon ang pakiramdam.
---
THE DREAMS persisted for weeks hanggang sa halos hindi na natutulog si Aaron. Kape at energy drink na ang dumadaloy sa ugat niya, at nabuhay siya sa mga pa-idlip-idlip gaya n'ung kadete at nasa training pa siya. Hindi iyon nakalampas kay Hazel, siyempre. O sa mga magulang at mga pinsan niya.
"We're here to stage an intervention," ani Everett nang buksan ni Aaron ang pinto ng condo nila ni Hazel sa isang batalyon ng mga pinsan. They were all there, crowding his door and pressing against his personal space.
"I have no idea what you mean," patay-mali niyang saad pero wala siyang nagawa kundi ang tumabi nang pumasok ang mga ito. At least may dalang pagkain ang mga walangya, isip niya nang mapuno ang mesa at ang available counter spaces sa kusina ng iba't-ibang takeout containers.
BINABASA MO ANG
The Mansion
ParanormalCOMPLETED Published by Bookware Publishing. --- Hindi naniniwala sa multo si Hazel pero hindi niya maikaila na baka totoo nga ang mga ito nang magsimula siyang makaramdam ng kababalaghan habang nakatira sa barracks ng PSG sa Mansion sa Baguio City...