Seventeen

3.4K 234 77
                                    

"Shh. Ako 'to," bulong ni Aaron nang bumalikwas ng bangon si Hazel. "I'm sorry natakot kita."

Bumuga ng hangin ang babae at napalitan ng ginhawa ang takot sa mga mata nito. Bumalik ito sa pagkakahiga. "Akala ko naman... are you okay?" pabulong din nitong tanong.

"Yeah. Mag-uumaga na."

"Si Reyes?"

"Controlled... for now."

Namilog ang mga mata ni Hazel bago ito muling bumangon para tingnan ang ayos niya. "Nasa labas ba ng bintana 'yung kalahati ng katawan mo?"

Mahina siyang tumawa. "Oo. Ayoko naman kasing luhuran 'yung dibdib ni Oliver kung lalapit ako sa 'yo mula sa loob. Kung tumayo naman ako sa paanan mo, baka matakot ka. Kung lumutang naman ako sa ibabaw mo... parang bastos."

Mahina na ring tumawa si Hazel bago ito bumuntong-hininga at umusog sa sofa. "Pumasok ka nga rito."

He stepped inside then settled comfortably and solidly beside her. Binigyan siya nito ng espasyo para hindi siya mahulog sa sahig sa ibabaw ni Oliver. Hindi nito naisip na kaya naman niyang lumutang. Bumalot ang mga braso niya rito. She felt solid and real. And safe. 'Yun ang mahalaga. She was safe.

Nang tumungo siya, napansin niyang pinagmasdan siya ni Hazel. Noon niya napagtanto na litaw pa rin ang mga sugat niya. Inangat nito ang isang kamay para haplusin ng mga daliri ang sugat niya sa sentido.

"Alam mo, baka mas mabuti kung magpahinga ka muna. Mag-uumaga naman na. Huwag ka nang gumamit ng ganyang karaming energy para lang maging visible ka sa 'kin."

Ngumiti siya. "Alam mo, pag ikaw? Mas kailangan ko ng energy para maging invisible sa 'yo."

"Talaga?"

Tumango si Aaron. "Kaya nga ako nagulat n'ung nakita mo ako n'ung una. Wala naman akong balak magpakita sa 'yo n'un."

Lumabi ang babae at napangiti siya.

Madalas ay matinding emosyon ang dahilan kung bakit aksidente siyang nakikita ang mga tao sa barracks. Noong oras na nakita siya ni Hazel, hindi niya alam kung saan galing 'yung matinding init na nagsimula sa dibdib niya na kumalat sa buo niyang katawan. Ni hindi niya namalayang nakikita na pala siya ni Hazel noong mga sandaling iyon.

Pagkatapos niyon, 'tsaka nagtiyaga si Aaron na piliting mag-ipon ng enerhiya para lubusan nang ma-practice 'yung pagiging visible at invisible niya. Hindi rin kasi niya alam na puwede iyon eh. Ang alam kasi niya, hindi kaya ng mommy niya ang piliting maging visible kapag nag-a-astral travel. Bukod-tanging ang tatay lang daw niya ang nakakita rito n'ung minsang nag-astral travel ito. Nabosohan daw ng mommy niya ang daddy niya.

Noong una, medyo nahirapan pa siya na manatiling visible at solid. Nabibigyan lang siya ng energy boost sa tuwing nakakausap niya si Hazel. Pero dahil gusto nga niyang araw-araw itong nakikita at nakaka-usap, pinilit niya hanggang sa ngayon eh parang natural na lang sa kanya ang maging visible at invisible.

"Nakakainis. Powered by gulat ka lang pala n'un."

"Hindi naman. Naging motivation ko naman na makakuwentuhan ka kaya ko sinadya na magpakita sa 'yo."

"Bakit? Kasi crush mo 'ko?" biro nito.

"Oo."

Muntik mauntog si Hazel sa baba niya nang bigla itong tumingala sa kanya.

"O bakit?" tanong niya. "Totoo naman. 'Tsaka liars go to hell. Isang pagkakamali lang pagdating nina Kenneth mamaya, puwedeng maputol 'yung koneksyon ko sa katawan ko. Kung mangyari 'yun, ayokong mapunta sa hell."

The MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon