A/N: Thank you. THANK YOU for supporting this story and letting me write in this genre and helping me grow as a storyteller. Mahilig kasi ako sa paranormal at sa fantasy pero bihira ko isulat. I really enjoyed the experience of writing this book at salamat sa pagsama ninyo sa 'min nina Aaron at Hazel, sa mga PSG at sa mga Medrano. Thank you!
Also, palakpakan din po natin si Admin @Rixiene na matiyagang tinrabaho ang kuwentong ito kasama ako. Hindi ko masabi ng maayos 'yung feels ko hahaha basta I can't thank you enough.
At last chapter na po ito. Please use the hashtag #TheMansionStoryofLight with your comments for a chance to win an Elise Estrella ebook of your choice from Admin Rixiene!
Thank you for reading! Kitakita po tayo sa susunod na kuwento. Maraming maraming salamat po from the bottom of my heart.
---
Nahanap nila sa isang liblib na gubat malapit sa isang bangin sa tabi ng dagat ang isang maliit at sira-sirang kubo.
Tumama ang tuktok ng ulo ni Aaron sa hamba ng pinto nang pumasok siya at nayanig ang buong bahay. Tinakpan niya ang ulo sa pag-aakalang magigiba iyon sa ibabaw nila ni Kuya Everett na nauna na sa kanya sa loob. Sumunod sa kanya si Joshua na nauntog din.
"Dahan-dahan naman at baka magiba," sabi ni Kenneth na tumungo at sumunod sa kanila sa loob.
Madilim doon. Sarado ang mga bintana at may amoy na parang matagal nang kulob ang kubo. Lumapit si Aaron sa isang bintana at itinulak iyon pabukas. Nagkagulatan sila ni Ezra na nakatayo pala sa labas at tinamaan ng mga dulo ng mga tuyong dayami sa mukha.
"Ay, sorry!"
Binuga lang ni Ezra ang mga dahon-dahon na napunta sa mga labi nito.
Nasa labas ang iba pa nilang mga pinsan para siguradong at full strength sila kung kailangan. Mahirap na. Mamaya may iniwan palang bakas ng kung ano si Reyes doon. Buti na 'yung handa sila.
Lalo na't kahit tahimik naman sa gubat, mabigat pa rin sa pakiramdam ang pumasok sa maliit na bakurang nakapalibot sa kubo. May bakas pa rin ng kung anong huling itim na rituwal na ginawa ni Reyes noong buhay pa ito.
At naroon ang mga boses na naririnig ni Aaron na bumubulong. Nadarama niya iyon sa balat niya, mga tinig na bumubulong ng mga salitang hindi niya naiintindihan pero nadarama niya ang emosyon sa mga iyon, ang madilim na intensyon at ang tuwa na naroon siya.
Saglit lamang, naitindihan na niyang tinig iyon ng mga ninuno niya sa linya ni Aling Aurora.
Sumilip si Everett sa bintana para kausapin si Ezra. "Tingnan n'yo kung ano'ng meron d'yan sa labas. Kami na 'yung bahala dito sa loob. Mamaya na tayo mag-cleansing spell."
"Okay," sabi ng kapatid nito.
"Holy shit, look at this," sabi ni Kenneth at lumapit sila sa mesa sa isang sulok ng bahay. May mga kagamitan doon si Reyes, mga kutsilyo, itak, athame-
"Karit ba 'yan?" tanong ni Kenneth na itinuturo ang isang patalim. Malaki iyon, parang itak pero nakakurba ang blade. Pero di gaya ng karit na hawak ng tipikal na imahe ni Kamatayan, hindi iyon nakakabit sa mahabang handle.
"Karambit," sabi ni Joshua na expert sa iba't-ibang uri ng patalim.
"Ano 'yun?" tanong ulit ni Kenneth.
"'Yung tawag d'yan, karambit." Pinagmasdan nito ang sandata na hindi iyon hinahawakan. "May tuyong dugo."
"Lahat sila may tuyong dugo," dagdag ni Everett na pinagmamasdan naman ang isang athame.
"Ng... tao?" nag-aalangang tanong ni Kenneth.
Noon naglabas ng mga rubber gloves at zip lock bags si Joshua mula sa dala nitong backpack.
BINABASA MO ANG
The Mansion
ParanormalCOMPLETED Published by Bookware Publishing. --- Hindi naniniwala sa multo si Hazel pero hindi niya maikaila na baka totoo nga ang mga ito nang magsimula siyang makaramdam ng kababalaghan habang nakatira sa barracks ng PSG sa Mansion sa Baguio City...