Bahagyang lumayo si Henry at sinapo ang mga pisngi niya. Pinagmasdan nito ang mukha niya. "Nasaktan ka ba? Sinaktan ka ba niya?"
Hinila niya ang braso mula sa balikat ng lalaki. Tumungo roon si Henry at nakita ang mga pasa niya. Marahang kinuha ng binata ang braso niya at maingat na hinagod ng hinlalaki ang balat niya.
"Sabi ko na eh," ani Henry na mababa ang tinig. "Sabi ko na madadamay ka."
Hindi niya inalis ang mga mata sa lalaki. "Ano'ng ginagawa mo rito? Paano mo nalamang binabangungot ako?"
Hinawi nito ang buhok na tumatabing sa noo niya. Pinagpapawisan siya kahit malamig. Noon napansin ni Hazel na may usok na nanggagaling sa bibig niya kasabay ng paghinga niya. Ganoon kalamig sa loob ng silid niya.
Hinila ng lalaki ang kumot at ibinalot iyon sa kanya. Inabot din nito ang knitted beanie niya at isinuot iyon sa ulo niya. Gusto niyang sabihin na hindi na kailangan. Sapat na 'yung yakap siya nito. Ipinagpatuloy nito ang paghagod sa likod niya hanggang sa huminto ang pangangatal niya at bumagal na ang paghinga niya.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" ulit ni Hazel. "Anong oras na?"
"Nag-OT ako," paliwanag nito. "Titingnan ko sana kung gising ka pa para makapagpaalam ako bago ako umuwi. Narinig kitang umiingit."
"Paano ka nakapasok?"
"Hindi mo ni-lock 'yung pinto."
Hindi ba? Automatic naman siyang nag-lo-lock kapag magsara siya ng pinto pero siguro nga nakaligtaan niya kanina.
"Nandito ka pa pala. Hindi ka pa sumabay mag-hapunan."
Mahinang tumawa si Henry at tumungo para idikit ang noo sa noo niya. "Mas mahalaga ba talaga 'yun kaysa sa nangyari?"
Nangatal siyang muli at muling hinigpitan ng lalaki ang yakap sa kanya. "I'm sorry," sabi nito. "I didn't get here on time."
Umiling siya. Dahil sa ginawa, kumiskis sa uniporme ni Henry ang pisngi niya. "Hindi mo naman alam. I'm lucky that you got here at all. 'Tsaka na narinig mo ako."
"May hihingin ako sa 'yo. Huwag kang magagalit," sabi ng lalaki. Tiningala niya si Henry. "I want you to move out."
Natirintas ang mga kilay niya. "Alam mo, hindi ka gan'un kaguwapo para pumayag na lang ako basta sa mga gusto mo ah."
Bumuntong-hininga si Henry. "Seryoso ako. Hindi na biro itong nangyayari. Hindi na simpleng pananakot 'to. Hinawakan ka na niya."
"Hindi naman si Lt. Tanjuatco 'yung napanaginipan ko."
"Hindi siya 'yung ibig kong sabihin. Ibig kong sabihin si Reyes."
"Paanong nagmumulto rin si Reyes?" taka niyang tanong.
Umiling si Henry. "Hindi ko sigurado. Sa palagay ko nag-iwan siya ng... hindi ko alam. Basta may iniwan siya n'ung pinatay niya si Lt. Tanjuatco. An evil like that? It leaves a stain. Hindi multo ang iniwan niya pero puwedeng enerhiya na may sapat na kadiliman ng pagkatao niya kaya kayang gawin ang ginagawa niyang pananakot. Pero iba na kasi ngayon, Hazel. Kaya na rin niyang manakit."
"So he left his darkness behind and it's powerful enough to manifest into something both visible and tangible," pag-sa-summarize niya.
Tiningnan lang siya ni Henry. "Uh, yeah, something like that."
Nagkibit-balikat siya. "I also started reading on ghosts and stuff. May nabasa ako na gan'un. May nabasa akong gabi-gabi siyang may nakikitang White Lady sa umaakyat sa hagdanan n'ung bahay na nilapitan niya. Pero it was some sort of projection? Kasi 'yung White Lady na 'yun eh 'yung dating may-ari pala n'ung bahay pero buhay pa siya. Basta may something psychic d'un sa bahay kaya naiiwan 'yung memories n'ung dating nakatira d'un. 'Yun 'yung nakikita niya."
BINABASA MO ANG
The Mansion
ParanormalCOMPLETED Published by Bookware Publishing. --- Hindi naniniwala sa multo si Hazel pero hindi niya maikaila na baka totoo nga ang mga ito nang magsimula siyang makaramdam ng kababalaghan habang nakatira sa barracks ng PSG sa Mansion sa Baguio City...