Twelve

3.5K 224 32
                                    

Medyo nakunsensya si Aaron nang gabing iyon nang umuwi si Peralta at ikinuwento ang nangyari. Naihi raw sa kama nito si Jun at humahagulgol daw na inamin sa lahat ng mga naroon, kabilang na ang nanay nito at ang abugado nito, na binosohan nito si Hazel. Binanggit din daw nito na multo ang nambugbog dito na naging sanhi ng matinding pag-aalala ng nanay nito na baka nasisiraan ng bait ang anak.

Gaya ng napagkasunduan, si Peralta ang unang pumasok sa silid nang makarinig ng kumosyon matapos ang tawag. Ang una nitong kinuha ay ang telepono ni Jun na nasa sahig para burahin ang record ng video call. Medyo madugas, pero gago kasi 'yung pinsan nito eh.

Kinailangan daw ito saksakan ng doktor ng pampakalma pero sa huli, hindi na nga raw ito magdedemanda at na tatanggapin nito kung ano ang gusto ni Hazel na parusa. Sabi naman ng babae na hindi na rin daw ito magdedemanda. Tama na 'yung ginawa ni Aaron.

Si Hazel ang nagkuwento sa mga PSG tungkol sa ginawa niya sa banyo para takutin si Jun nang magtanong si Iking. Tumawa ang mga walangya! Pero sinabi rin naman nito na nakakatawa raw kasi hindi sa kanila nangyari 'yun. Pero kung sa kanya raw, sabin ni Iking, magdadala na lang daw siya ng arinola sa kuwarto niya at di na mag-si-CR nang mag-isa kahit kailan. 

Matapos ang hapunan, sinamahan niya ang mga ito na manood ng TV sa itaas pero siniguro niyang hindi siya nakikita ng mga lalaki. Nang nagpaalam si Hazel na mauuna nang bumaba, sumabay na rin siya. Bumaba na rin ang kapatid nito para samahan ito. Sa palagay ni Aaron iyon ay dahil para bantayan si Hazel sa kanya. Sigurado niyang hindi alam ng mas batang tinyente kung paano haharapin ang mga nangyayari. Hindi nito alam kung paano siya kakausapin tungkol sa pakikipaglapit niya sa kapatid nito.

Noong buhay pa siya, may seniority na siya agad dito dahil upperclassman siya nito sa Academy at kung di lang siya namatay, mas mataas din malamang ang ranggo niya rito. Malinaw sana kung paano siya nito pakikitunguhan. Pero paano ngayon na multo siya?

Para kay Aaron, mas madali nga ngayon eh. Patay na siya. He had no business being with Hazel dahil walang kahihinatnan kung anuman ang namamagitan sa kanila.

Hindi nila sigurado kung tama ang hinala nito na astral body lang niya ito at na nakatago sa isang secure na lugar ang katawan niya. At kung mali naman si Hazel at patay na talaga siya, the only way for them to be together is for her to die as well. At hindi papayag si Aaron na mangyari 'yun. Oo nga't lahat naman ng tao ay mamamatay pero kung kaya niya, babantayan niya si Hazel at sisiguruhing ligtas at masaya ito. At kapag at least 112 years old na ito, saka lang niya iisipin ang posibilidad na puwede na silang magkasama sa kabilang buhay.

Isa pa, hindi rin naman niya sigurado kung ano talaga ang nangyayari kapag mamatay ang isang tao. Paano kung kakaiba lang talaga ang experience ni Aaron? Paano kung ang totoo ay sinusundo naman pala talaga ng mga anghel ang mga taong pumapanaw at nakaligtaan lang nilang sunduin si Aaron?

"Saan natutulog si Lt. Tanjuatco?" tanong ni Oliver nang makapaghanda ang magkapatid para matulog.

"D'un sa kabila," sagot ni Hazel kahit pa nakapuwesto na si Aaron sa sahig at nakasandal na sa kama ng babae.

"Sa bodega?"

"Hindi siya bodega, Kuya. Never naman daw talaga nagamit 'yan na bodega. Di ba d'yan 'yung dating kuwarto ni Lt. Tanjuatco? 'Tsaka, Kuya, never ka ba minulto dito sa kuwarto na 'to? Hindi ka ginising ni LT kahit kailan? Wala kang narinig galing d'yan sa kabila?"

"Wala talaga," sagot ng kuya nito matapos saglit na mag-isip. "Minsan may naririnig akong nagbabalabag ng pinto pero akala ko sila Iking lang. Kung may naririnig akong kaluskos sa kabila, iniisip kong baka daga. Nagpabili nga ako ng Racumin n'ung isang beses eh. 'Tsaka hindi ako d'yan natutulog sa kamang 'yan. Kung inuuga man niya 'yang kama na 'yan, eh malamang di ko mararamdaman kasi nandito ako."

The MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon