Napuyat si Hazel dahil halos alas cuatro na siya natulog pero medyo maaga pa rin siyang gumising dahil araw ng enrollment. Nasa kama na siya nang magising kahit hindi niya maalalang umakyat siya roon bago natulog. Naka-upo pa rin sa sahig si Aaron at nakasandal sa kama niya nang magmulat siya. Lumapit siya rito at sumubsob sa batok nito.
Lumingon ang lalaki at nadama niya ang mga labi nito sa tuktok ng ulo niya.
God, this felt amazing. Waking up with him, having him there. Gusto niyang maranasan ito na totoo niyang kasama si Aaron, na boyfriend niya ito at na solid ito, buhay, humihinga, at malayang mahalin siya.
"Good morning," bati nito. "Ang aga mo namang gumising."
"Enrollment," sagot niya. Kailangan na niyang bumangon kahit pa mas gusto na lang niyang singhut-sighotin si Aaron. He smelled clean and cool. Ano kaya talaga ang amoy ng balat nito? 'Yung kapag tao ito ah, hindi 'yung kapag patay ito.
"Aalis ka?"
Nag-angat siya ng mukha at tumango. "Sandali lang. Half-day lang ako. Magmamadali ako para nandito na ako ulit ng lunch."
"Mamimiss kita."
Napatingin siya rito at ngumisi siya nang makitang nakalabi ito. "Ang cute mo talaga," sabi niya bago siya tuluyang bumangon bago pa niya ito biglang halikan.
Mahirap paniwalaan ang pinag-usapan nila kagabi dahil hindi naniniwala sa kulam o sa magic si Hazel, pero nang marinig niya ang tungkol sa abilidad ng mga miyembro ng pamilya ni Aaron, lalo na ang abilidad ng mommy nito na mag-astral project, nabuhayan siya ng loob at nagsimulang umasa.
Posible naman di ba? Napakarami namang hindi alam ng mga tao tungkol sa mundong ibabaw.
At, oo na, pabor sa kanya na maniwala kay Aaron. Dahil kung posible ang mga taong may psychic powers at ang mga nagpa-practice ng white magic, ibig din niyong sabihing posibleng may future silang dalawa.
Itinatali niya ang buhok niya nang mapansing pinapanood siya ni Aaron. "Huwag mo nga ako panoorin! Nako-conscious ako!"
Mabagal lang na ngumiti ang lalaki pero iniiwas ang paningin sa kanya. Inirapan niya ito at tinalikuran. Ang weird talaga! Multo ang boyfriend niya!
Napatingin siya sa pinto nang may kumatok. Sinulyapan niya si Aaron na tumango sa kanya.
"Hindi na nila ako nakikita."
"Okay."
Binuksan niya ang pinto at hinablot siya ng dalawang maskuladong mga bisig at mahigpit siyang niyakap.
"Hey!" bati niya na tinatapik-tapik ang likod ng kuya niya. "Ang aga mo naman!"
"Umalis ako ng Maynila ng alas cuatro." Pinakawalan siya nito pero hindi binitawan at pinagmasdan siya mula ulo hanggang paa. "You're okay?"
"Opo, okay lang ako."
Pumasok ito ng silid at nilampasan si Aaron. Ibinaba ni Kuya Oliver ang dalang backpack sa bottom bunk ng double deck sa tapat ng tinutulugan ni Hazel saka siya muling hinarap. "Pupuntahan ko sa ospital 'yung gagong nambastos sa 'yo," sabi nito na matigas ang tono ng boses.
"Sama ako," sabi ni Aaron kahit hindi ito naririnig ng kuya niya.
"Baka naman pinagalitan mo si Peralta ah, Kuya?"
"Pinagalitan ko talaga!" halos pasigaw na sabi ng lalaki. "Responsibilidad ka niya! Nagdala siya ng gago rito sa barracks, 'tapos iniwan ka niya kasama ang gago na 'yun!"
"Kuya," buntong-hininga niya.
"Huwag mo akong ma-kuya-kuya ah. 'Tsaka sino ba 'yung sinasabi mong nakakita d'un sa gago na namboboso sa 'yo? Ayaw nilang sabihin sa 'kin eh. Sabi ni Top, ikaw na lang daw ang magkukuwento."
BINABASA MO ANG
The Mansion
ParanormalCOMPLETED Published by Bookware Publishing. --- Hindi naniniwala sa multo si Hazel pero hindi niya maikaila na baka totoo nga ang mga ito nang magsimula siyang makaramdam ng kababalaghan habang nakatira sa barracks ng PSG sa Mansion sa Baguio City...