Five

4.2K 227 81
                                    

Tinanong siya ni Top kung gusto raw niyang lumipat ng kuwarto kahit pansamantala habang wala ang kuya niya pero tumanggi si Hazel. Hindi naman 'yun dahil sa matapang siya. Duwag naman talaga siya at ayaw naman niyang maulit ang nangyari. Ayaw lang din niyang makaabala dahil kailangan pang lumipat ng ibang silid ng isa sa mga sarhento para magkaroon siya ng bagong kuwarto. Kahit pa nag-volunteer si Iking na lumipat sa kuwarto ni Tan para bakantehin ang silid nito, sinabi na lang niyang hihintayin na lang niyang dumating ang Kuya Oliver niya. Gayumpaman, hindi niya isinara ang pinto ng silid nang bumalik siya roon pagkakain para naririnig niya ang boses ng mga lalaki habang naghahanda siya ng bihisan.

Palabas na sana siya ulit ng kuwarto para doon na kusina hihintayin ang pinainit niyang tubig pampaligo nang mag-ring ang telepono niya.

"Kuya Oliver!"

"Hi, Haze! Kumusta na?" tanong ng masayahing tinig ng kuya niya.

"Okay lang."

"Inaalagaan ka ba nila d'yan?"

"Yup! Alagang-alaga nila ako rito. Pero, oh, my God, Kuya!" simula niya na nauupo na sa bunk bed para simulan ang kuwento niya. "Minumulto yata ako!"

"Ano?" bulalas ng kapatid. "O, eh ba't parang excited ka pa?"

"Hindi!" tawa ni Hazel. "Well, actually, natakot ako habang nangyayari pero n'ung tapos na, napatanong na ako kung paano at bakit nangyari 'yun."

"Of course," sarkastikong sagot ni Kuya Oliver. "Ikaw lang talaga 'yang gan'yan."

"O, bakit? Hindi ka ba curious tungkol sa multo rito?"

"Curious kaya lang di ko pa kasi nararanasan. Teka, anong multo naman ang naramdaman mo d'yan? 'Yung anino sa bintana o 'yung crying lady?"

"Lord, ayoko na pong maranasan 'yung crying lady! Pero, Kuya, ano'ng alam mo tungkol kay Lt. Tanjuatco?"

"Ah, 'yung sa kabilang kuwarto."

"Yeah."

"Ano'ng nangyari sa 'yo?"

"Ilang beses na niya ako ginigising dahil inuuga niya 'yung kama," kuwento niya.

"Ngyay!"

Tumawa siya. "Yeah! 'Tsaka I think nakita ko siya n'ung first night ko rito. But do you know what happened to him?"

"Nabalitaan namin 'yung nangyari sa kanya, na pinatay daw ng subordinate dahil sa away sa babae."

Nagsalubong ang mga kilay ni Hazel. "Gan'un?"

"Oo, pero n'ung dumating ako d'yan, ikinuwento naman ni Top sa 'kin 'yung totoong version. Sa kanya ako mas naniwala."

"Do you know him? Si Lt. Tanjuatco?"

"Not personally," saad ng kapatid. "Graduate na siya sa PMA n'ung pumasok ako eh. But I know *of* him. Maganda kasi records niya eh. At kung ikuwento siya ng mga mistah niya, para siyang superhero."

Nabuhayan ng loob si Hazel at gumana ang pagiging reporter niya. "May kilala ka na batchmate niya?"

"Yeah, si Captain Cabrera. Siya 'yung nag-top n'ung mag-graduate sila sa PMA. Second si Lt. Tanjuacto n'un. Magkaibigan sila." Biglang natigilan ang kapatid. "Bakit?" mapanghinala nitong tanong pagkatapos.

"Wala!" agad niyang sagot bago siya napangiwi. Kinagat ni Hazel ang pang-ibabang labi dahil alam na niya ang susunod.

"Hazel."

"I promise, Kuya, wala akong masamang balak! Curiosity lang."

"Isusulat mo 'yun ano?"

"Ahhhh..." Pinahaba niya ang tunog.

The MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon