Nine

3.8K 201 103
                                    

"Huwag kang matakot," agad nitong sabi sa kanya na humahakbang palapit bago ito biglang huminto. "I'm sorry," anito. "I'm sorry. Just... please. Huwag kang matakot sa 'kin. Hindi kita sasaktan."

Hindi makagalaw si Hazel habang mahigpit niyang hawak ang doorknob. Nag-dadalawang-isip siya kung tatawagin niya si Iking o hindi. Binaha na siyang muli ng matinding takot pero pilit niya iyong nilabanan dahil si Aaron ito.

Ito 'yung lalaking nagbantay sa kanya buong gabi nang matakot siya kay Reyes. Ito 'yung nagtanggol sa kanya sa manyak kanina. 'Yung may adorable na ngiti na pinagmumukhang little boy ang higanteng sundalo, at 'yung ayaw siyang mapahamak kapag makialam siya kahit ang kapalit pa ay ang ikatatahimik nito habambuhay.

She made her decision.

Pumasok siya sa loob ng silid at marahan niyang isinara ang pinto hanggang sa marinig niya ang click niyon. Pagkatapos ay pinagmasdan lang niya ang lalaki.

Dahan-dahan itong lumapit sa kanya na para bang ito pa ang natatakot. Nakataas pa ang dalawa nitong mga kamay sa harapan nito. Para saan? Para ipakitang wala itong dalang armas?

"I'm sorry," ulit nito.

Ikinrus niya ang mga braso sa dibdib niya at tiningnan lang ito. "Para saan? Kasi marami 'yun," nakasimangot niyang sabi na tila nalimutan nang multo ang kausap niya. Naningkit siya sa pagka-irita nang magsimulang ngumiti ang lalaki. Pero nang mapansin nito ang hitsura niya, nagseryoso si Aaron kahit pa nakita niyang kumikinang pa rin sa pagka-aliw ang mga mata nito.

"I'm sorry," ulit ng lalaki pero di na nito napigilan ang ngiti.

"Huwag kang magpa-cute," babala niya.

"Hindi!" tawa na nito na halata ang ginhawa sa tinig. "'Yang reaksyon mo kasi. Dapat naisip ko nang ganyan ang magiging reaksyon mo kapag malaman mo ang totoo."

"Aling reaksyon?"

"'Yang mas nabubuwisit kaysa natatakot."

Natawa si Hazel bago pa niya mapigilan ang sarili dahil hindi iyon ang inaasahan niyang sasabihin ng lalaki. Agad naman siyang nagseryoso pero huli na dahil alam na ng lalaki na naka-move on na siya sa takot niya. Umiling si Hazel at naupo sa kama niya.

"You owe me an explanation," sabi niya. "A long one."

He looked unsure. "Hindi ko alam kung saan ako magsisimula."

"Ba't di tayo magsimula sa pinakamahalaga?" Muli siyang naningkit dito. "Sinisilipan mo ba ako kapag naliligo ako kaya alam mong nand'un sa banyo si Jun kanina?"

"Ha?!" bulalas ni Aaron. At hindi alam ni Hazel kung paano naging posible na mag-blush ang isang multo. "Hindi! Siyempre, hindi! Okay ka lang? Multo ako, hindi manyak!"

"Eh paano mo nalaman na nand'un si Jun?"

"Nakita kong lumabas siya ng kuwarto ni Peralta pero di siya pumunta sa kusina. D'un siya sa banyo pumasok. Hindi ko alam na nand'un ka kanina. Hindi naman kita binabantayan ng bentekuwatro oras. Saka ko lang na-realize na nand'un ka n'ung dahan-dahan siyang pumasok ng banyo. Kaya nga medyo nahuli ako ng dating. Hindi ko kaagad naisip..." Muling nanumbalik ang matinding galit sa mukha nito.

"So binabantayan mo nga ako?"

"Oo!" Namilog ang mga mata nito. "I mean, hindi! I mean, oo pero hindi lagi. Hindi ako pumapasok sa banyo mo! Hindi nga rin ako pumapasok dito sa kuwarto mo eh. Lalo na kung alam kong nagbibihis ka!"

Pinag-aralan niya ito na mapanghinala pero nagdesisyon na maniwala rito. Matinong lalaki naman ang pagkakakilala niya kay Aaron. Isa pa, naghihintay na nga lang itong literal na kunin ni Lord, 'tapos magloloko pa ito? Matakot na lang ito na sa kabila ito mapunta di ba?

The MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon