Kinabukasan, pumunta si Hazel ng opisina ng diyaryo kung saan siya nag-fi-freelance. Niyakap siya ng Bureau Chief na si Ma'am Donna. Naging close na sila nito dahil bukod sa pagiging boss niya ngayon, instructor din niya ito sa ilang mga Journ subjects niya sa UP. Kaya nga siya nito inimbitahan na sa diyaryong pinagtatrabahuhan nito siya mag-intern last sem. Sa ganda ng performance niya, hindi lang siya naka-uno sa internship niya, hiniling din ni Ma'am Donna na ituloy na niya ang pagtatrabaho roon kahit sa susunod na sem na lang hanggang magtapos siya at bumalik na ulit sa Manila. Nakipag-negotiate siyang papayag siyang magpatuloy sa pagsusulat para sa diyaryo basta pumayag din itong maging thesis adviser niya. Sa palagay niya, good deal naman iyon.
Matapos nilang mag-usap tungkol sa gusto niyang gawing feature article tungkol sa mga PSG na naka-destino sa Baguio, nagpaalam na siya. Gusto kasi niya mamasyal tutal malapit naman na siya sa town.
Naglakad lang siya papuntang Session Road. Pumasok siya sa mga tindahan na pag-aari ng mga locals at doon namili ng ilang mga kailangan niya. Kahit may malaki nang mall sa Baguio, mas gusto niyang suportahan ang mga maliliit na tindahan. Kahit groceries niya eh sa local supermarket niya binibili imbes na sa SM Supermarket o sa Savemore kung hindi lang talaga nasa SM ang sadya niya. Kung gusto niyang magkape, sa local cafe siya pumupunta at hindi sa Starbucks. Kung gusto niya ng tinapay, mas gusto niya ang Dane's kaysa sa Gardenia.
Bigla niyang naisip na kalahating taon na lang pala siya sa Baguio. Parang bigla siyang nalungkot.
Dahil medyo bumaba ang mood, tumawid siya ng Session Road at bumaba sa isang side street papunta sa bakery kung saan siya bumili ng mga tinapay na pang isang batalyon para pa-merienda sa mga kasama sa barracks. Pagkatapos ay bumalik na siya sa Mansion.
★・・・・・・★・・・・・・★・・・・・・★
Tuwang-tuwa ang mga sundalo sa gate nang ibigay niya sa mga ito ang merienda.
"Ikukuha ko na lang po kayo ng palaman sa barracks," sabi niya pero mabilis na nagsi-ilingan ang tatlo.
"Naku, ma'am, mapapagod pa kayo. Si Iking na po ang kukuha," sabi ni Sgt. Tan.
"Eh di si Iking naman po ang napagod," tawa niya.
Lalong naningkit ang singkit nang sarhento nang ngumiti ito. "Okay lang 'yan, ma'am," sabi nito na sinisiko si Iking na ngumunguya na ng cinnamon roll. "Masipag naman po ito."
"Opo, ma'am," sabi na rin ni Iking. "Ako na lang po para di n'yo kailangang bumalik. Gusto po ninyo ng kape?"
Umiling si Hazel. "Naku, hindi na po." Luminga-linga siya. "Actually, gusto ko po sana mamasyal dito sa loob. Kailangan ko po bang may bantay?"
"Naku, sige, ma'am. Mamasyal ka lang. Sasabihan ko na lang 'yung mga naka-perimeter na samahan ka. Alam naman po ninyo kung saan kayo hindi p'wede pumasok nang walang kasama di ba?"
Tumango siya kay Sgt. Talavera. "Opo. Sa garden lang po ako malapit sa bahay."
"Sige po. Mauna na kayo, ma'am. Ipapahanap ko na lang kayo sa isa sa mga bata."
"Sige po!" masayahin niyang payag bago siya nagsimulang maglakad palayo ng gatehouse. Lumingon pa siya ulit dahil may tinawag si Sgt. Talavera pero hindi pala siya iyon.
"Ma'am, bawal po d'yan," sabi nito sa isang babaeng akmang susunod kay Hazel sa pag-aakalang bukas din sa publiko ang driveway paakyat paglampas sa malawak na grounds malapit sa gate.
"Ay, ba't po siya?" tanong ng turista.
"May security clearance po siya, ma'am."
Nahihiya siyang ngumiti kay Top, kumaway, bago siya nagpatuloy sa paglalakad paakyat ng sementadong driveway na sinusundan ng mahabang linya ng mga puno sa magkabilang banda hanggang sa hindi na niya naririnig o nakikita ang kumpulan ng mga turista sa gates. Huminga siya ng malalim saka masayang ngumiti. Iba kasi ang tuwa niya sa mga tahimik na lugar.
BINABASA MO ANG
The Mansion
ParanormalCOMPLETED Published by Bookware Publishing. --- Hindi naniniwala sa multo si Hazel pero hindi niya maikaila na baka totoo nga ang mga ito nang magsimula siyang makaramdam ng kababalaghan habang nakatira sa barracks ng PSG sa Mansion sa Baguio City...