A/N: May mga edits po ako sa previous chapters so kung may mga napansin kayong nabagong details na babanggitin ko from here on, baka po kasama sila sa mga binago ko gaya po ng pangalan, edad, ranggo, etc. Kung pakiramdam po ninyo na mali ang basa ninyo o mali ang pagkakaalala ninyo sa sinabi ko na dati, malamang po kasama po sila sa edits.
Sorry din po pala natagalan ang UD. 1) Nasa province po ako, 2) pagdating ko ng Manila, wala kaming Internet, and 3) binasa ko 'yung mga nasulat ko na at naligaw kaming lahat kasi iba-iba ang sinasabi ko ahehehe nag-edit po muna ako ng loopholes pero baka may naiwan pa rin. Pasensya na po. Ayusin ko na lang next time.
Thank you! At thank you sa pagsama sa 'kin sa panibago kong kalokohan ahaha
★・・・・・・★・・・・・・★・・・・・・★
Kung hindi lang nahihiya si Hazel, baka nag-dive siya kagabi sa gitna ng mga sundalong nakahiga sa sahig para doon matulog imbes na sa sofa. Gusto kasi niya ng katabi! Kaya lang hindi naman siya puwedeng sumiksik na lang basta kay Top dahil kahit hindi na niya itinuturing na ibang tao ang sarhento, hindi pa rin naman niya ito kaanu-ano. Nakakahiya pa rin kahit ito na ang father figure nila doon. Ito na nga rin ang natulog sa ibaba lang ng sofa para feeling pa rin niya may kasama siya.
Hindi naman nakatulog masyado si Hazel dahil hindi sila nagpatay ng ilaw. Anong oras na rin naman nagsitulog ang mga kasama niya dahil bawat kaluskos eh may bumabangon sa mga ito hanggang sa tuwing may mag-aangat ng ulo eh pinupukpo na ni Top ng throw pillow para muling mahiga.
Pagkatapos eh wala pa yatang isang oras matapos tumahimik, nagising na naman silang lahat dahil bumukas ang front door at pumasok sina Peralta at Tolentino na kakatapos lang ng duty. Natigilan ang dalawa nang makita silang lahat doon.
"Anyare?" tanong ni Peralta.
"Hala, anong oras na?" tanong naman ni Tan bago nagmamadaling bumangon. Ito kasi ang kapalit ni Peralta sa gate.
"Late ka na," sabi ng kaibigan. "Iniwan muna namin si Kuya Henry d'un habang wala ka pa."
"Maliligo na ako," sabi nito bago mabilis na iniligpit ang higaan.
"Mauna ka sa baba," sabi ni Iking sa kaibigan.
"Anong ako? Mauna ka!"
"Si Top na lang ang mauna!"
"Ang iingay n'yo! Huwag n'yong istorbohin si Ma'am Hazel!" pabulong na singhal ni Top.
"Gising naman na po ako."
"Ayan kasi!"
"Sorry, ma'am," sabi nina Tan.
Itinulak niya paalis ang kumot at naupo na siya sa sofa.
"Binalabag kasi n'ung multo 'yung pinto d'un sa bodega kagabi," paliwanag ni Tan kina Peralta.
"Balabag?" tanong nito na halatang nahintakutan. "Anong klaseng balabag? May kumalabog?"
"Hindi, balabag talaga," sagot ni Tan na i-dinemo pa kung paano malakas na sisinasara ang pinto para bumalabag. "Paglabas ko ng kuwarto, doon ako napatingin eh. Bukas 'yung pinto. 'Tapos parang may sumipa pasara sa lakas!"
"Hala ka!" sabi ni Tolentino na napahawak na sa braso ng katabi. "Galit na galit talaga si LT sa nangyari sa kanya ano?"
"Alam n'yo," singit ni Hazel nang magsimula na ring bumangon ang iba pa. "Sa palagay ko hindi si LT 'yung galit d'un sa kabilang kuwarto."
Tiningnan siya ng mga kasama. Nagkibit-balikat siya. "Feeling ko lang. Kasi parang hindi siya galit eh. Kagabi nagising ako kasi narinig ko 'yung sinabi mo Top na sinabi niya sa 'yo n'un. Sabi niya 'Top, gising. Binaril ako ni Reyes'."
BINABASA MO ANG
The Mansion
ParanormalCOMPLETED Published by Bookware Publishing. --- Hindi naniniwala sa multo si Hazel pero hindi niya maikaila na baka totoo nga ang mga ito nang magsimula siyang makaramdam ng kababalaghan habang nakatira sa barracks ng PSG sa Mansion sa Baguio City...