Twenty-Four

3.8K 215 60
                                    

A/N: Please use the hashtag #TheMansionResolution with your comments for a chance to win an Elise Estrella ebook of your choice from Admin @Rixiene! Thank you for reading!

---

Gumawa ng ingay si Hazel at parang batang naiinip na ngumanga sa direksyon ni Aaron.

"Sandali lang!" natatawang sabi ng lalaki bago muling inangat ang kutsara ng sabaw mula sa hawak na mangkok. "Katakaw nito. Mamaya ma-empacho ka."

Hinigop niya ang sabaw ng bulalo mula sa kutsara. "Paano ako ma-e-empacho eh puro sabaw 'yang pinapakain mo."

"Ano'ng mas gusto mo? Sabaw o baby food?"

Lalo siyang sumimangot. "Sabaw."

"Kita mo na?"

Lumabi na siya.

Matapos ang tatlong araw na coma at ang sumunod na dalawang araw na puro tulog lang ang ginawa niya, tuluyan nang bumuti ang pakiramdam ni Hazel. Nakatulong na may tiwala ang mga ito kay Aaron. Na-discharge na ito pero halos doon na ito tumira para bantayan siya. Pumapayag ang mommy at daddy niya na umuwi sa hotel para magpahinga dahil ito nga ang nagbabantay sa kanya. Kapag wala ang mga magulang niya, pumupuslit ang mga pinsan ni Aaron para gamutin ang sugat niya para mas mapabilis ang paggaling niya. Hindi pa kasi nila sinasabi sa mga ito na may kakaibang kakayahan ang pamilya ni Aaron. Hindi nila alam kung sasabihin pa nila. At kung oo, paano?

Pero nang dumating na weekend, kinailangan na ring umuwi ng mga ito. Sina Ezra at Kenneth ang huling umuwi. Siniguro lang ni Ezra na maayos ang lagay ni Hazel at na walang magiging problema sa tuluyan niyang paggaling. Si Kenneth naman ay nanatili roon para siguruhing maayos ang lagay ng pag-iisip niya. Mas mabuti na raw iyon. Namatay nga naman siya.

Pero kahit umuwi na ang mga ito, lagi naman nilang kausap ang magpipinsan na maya't-maya ay tumatawag para mangumusta at mangulit. At hindi rin naman nabawasan ang mga dumadalaw kay Hazel. Naroon pa rin sa Baguio ang mga magulang ni Aaron na araw-araw ding nasa ospital. At tuwing matatapos ang shift ng mga miyembro ng PSG sa mansion, dumederecho sa kanya ang mga sundalo.

Maging si Henry ay nagdala ng mga prutas at bulaklak para sa kanya kahapon matapos ang duty nito. Kasabay nito ang mga nightshift na PSG gaya ni Tolentino. At sa hapon naman, sina Iking at Tan ang araw-araw niyang bisita.

"Pahingi naman ako n'ung karne," panlalambing niya kay Aaron.

"Hindi pa raw puwede," sabi ng walangya bago isinubo ang malaking tipak ng malambot na baka. Tumirik pa ang mga mata nito sa sarap niyon. Mapang-asar itong ngumuya-nguya. "Liquid diet ka pa di ba?"

Kung kaya lang niya ay padabog siyang sasandal sa mga unan. Pero dahil nahihirapan pa siyang kumilos, lumabi lang siya ulit. "Ayoko na. Break na tayo."

Tumawa lang ang walangya at muli siyang sinubuan ng sabaw. Nakasimangot lang siya habang kumakain at hindi na ito kinibo. Pero nang marahan nitong ilapit sa bibig niya ang kutsara at may laman na iyong maliit na piraso ng karne at patatas, nag-angat na siya ng mukha na may malaking ngiti. Tumawa muli si Aaron at masaya niyang isinubo ang kutsara. Bumuntong-hininga siya sa lasa ng totoong pagkain. Pero agad iyong sinundan ng singhap dahil sa lasa naman ng totoong mga labi ni Aaron nang halikan siya nito.

She followed him when he pulled back at mahina itong tumawa para muli siyang halikan at marahang itulak pasandal muli sa unan niya. Pagkatapos ay muli siya nitong sinubuan ng sabaw, konting karne at patatas.

Pinanood niya ito. Pagkatapos ay mabagal niya itong inabot at hinaplos ng dulo ng mga daliri niya ang pisngi nito. Nag-angat ng paningin si Aaron at mapagtanong na ngumiti sa kanya.

The MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon