Twenty-Three

3.4K 217 62
                                    

A/N: Balak ko po kasi mag-offline saglit para matutukan ko 'yung ibang mga kuwento kaya post ko na po 'yung mga remaining chapters ng The Mansion ngayon. Tutal patapos na po siya.

Ongoing pa rin po 'yung pa-raffle ni Admin Rixiene so don't forget to use the hashtags when you comment kasi 'yun po 'yung magsasabi sa 'min kung gusto n'yong sumali. Hashtag for this chapter is #TheMansionAftermath 😊

Thank you for reading!

--- 

Nang magising si Aaron, masakit pa rin ang buo niyang katawan. Para siyang nakipag-wrestling sa galit na baboy ramo 'tapos natalo siya. Masakit ang tagiliran niya at kahit alam niyang kung hindi iyon ginamot ni Caden ay mas malala pa ang pinsala niya, mahirap pa rin para sa kanya ang kumilos. May malaki rin siyang pasa sa tadyang. Sabagay, hindi naman puwedeng magaling na siya agad dahil lang ginamot siya ng pinsan. Kailangan ding bigyan niya ng oras ang katawan niya na maghilom.

Mabagal siyang naupo. Ibinaba niya ang mga paa sa sahig pero napaluhod siya nang subukan niyang tumayo. Nakasimangot na siya sa kisame habang nakahiga sa sahig nang bumukas ang pinto ng banyo at lumabas mula roon si Kenneth.

Tiningnan lang siya nito. "Ano'ng ginagawa mo d'yan?"

"Sinisilip ko kung may tao sa banyo," payak niyang sagot. "Malamang nalaglag ako sa kama!"

"Ba't di ka bumangon?"

Ibinuka niya ang kamay at sinubukang mag-ipon ng enerhiya roon para ibato sa pinsan pero walang nangyari. Mukhang nasaid ang psychic powers niya.

Tumawa si Kenneth saka lumapit sa kanya at tinulungan siyang bumalik sa kama. Marami siyang tanong pero una niyang binanggit ang pinakamahalaga.

"Si Hazel?"

"Sa kabilang kuwarto," sagot ng pinsan habang kinukumutan siya ulit. "Natutulog pa rin siya pero okay na siya. Ikaw ang napapanaginipan niya." Pagkatapos niyon sinagot na nito lahat ng mga naiisip niyang itanong dito. "Three days na kayong walang malay. Inilipat muna sa ibang ospital lahat ng mga pasyente para ma-inspect nila 'yung building dahil hindi nila sigurado kung saan nagsimula 'yung sunog. Hindi naman natin puwedeng sabihing multo ng mangkukulam 'yung arsonista d'un. We cleansed the area too. Wala nang trace ni Reyes doon pati na sa Mansion.

"Si Top? Nasa kabila lang din, nagpapagaling. Gusto nang lumabas pero hindi pa puwede kaya bantay-sarado siya ng mga tauhan niya kasi tumatakas! Kahapon nahabol nila Iking sa baba. Bumibili na ng kape."

Inayos pa ni Kenneth ang unan sa likuran niya. "Si Reyes, pina-cremate na. Wala na rin naman pala siyang kamag-anak at namatay na rin 'yung lola niya. Isasaboy na lang daw sa Siquijor 'yung abo niya. Tayo na lang daw ang gagawa para matahimik na habambuhay. Yeah, nandito na rin sila Mommy. Lahat sila, actually. Umakyat n'ung araw na 'yun. Nasa labas lang sila, kumakain. Ako na ang nag-volunteer na magbantay sa 'yo."

Tumingin ito sa kisame, senyales na sinusubukan nitong ma-contact sa isip nito ang kakambal bago muling ngumiti sa kanya. "May nahanap daw silang restaurant na malapit lang. Mura raw pero masarap 'yung pagkain. Sandali na lang daw, babalik na sila. Kaya mo bang maglakad? O okay lang sa 'yong kargahin kitang parang Disney Princess papunta sa kuwarto ni Hazel?" Kenneth paused, then grinned. "Pakyu ka rin."

Tumawa na si Aaron. "Di ko alam kung mas nakakapagod makipag-usap sa 'yo kapag nagsasalita ako o kapag hindi."

"Sorry. Sabi kasi ni Tita huwag kong itaas sa inyo 'yung mental shields ko habang wala kayong malay ni Hazel." Kinuha nito ang braso niya at tinulungan siyang muling bumangon. "Si Top nga rin eh. Pero hininto ko na n'ung gumising na siya. Siya na lang ang una nating puntahan kasi gising 'yun ngayon."

The MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon