A/N: Don't forget about the raffle! Please use the hashtag #TheMansionClingToLife in your comments to qualify for a chance to win an Elise Estrella ebook of your choice. Thank you!
---
Mabilis na bumangon si Aaron para saluhin si Hazel nang magsimula itong matumba. Kakaiba ang pakiramdam ng pagbabalik niya sa katawan niya. Parang hindi niya sukat ang mga kilos niya, maging ang bilis niya o ang sarili niyang lakas. Parang hindi niya kontrolado ang mga binti at braso niya pero hindi na iyon mahalaga. Ang mahalaga ay ang masalo niya ang babaeng mahal niya.
Akala niya alam na niya kung ano ang pakiramdam ng mamatay. 'Yung matinding takot at paghihinagpis, ang kadiliman ng kaluluwa dahil sa kawalan ng pag-asa, ang panghihinayang at ang hapdi sa puso para sa lahat ng iiwan niya. Pero natabunan ang lahat ng mga emosyon na iyon nang makita niya ang pagtama ng bala sa katawan ni Hazel. Pinalibutan ng matinding takot ang puso niya na baka mawala ito sa kanya bago pa man sila magkaroon ng pagkakataon.
"Haze," aniya na ngangatal ang paos na tinig habang nakahiga si Hazel sa kandungan niya. Nakatingala ito sa kanya, namimilog ang mga mata sa takot. "Haze, it's going to be okay. I promise. Nandito na 'ko. It's going to be okay."
Patakbong pumasok sa silid ang mga pinsan niyang pawang hinihingal, ngayon lang nakahabol sa kanya mula sa barracks. Dumerecho sa kakambal nito si Kenneth, kasunod ng isa pa nilang pinsan na si Caden na may kakayahan ding gumamot.
"Ezra," tawag ng ama ni Aaron sa pinsan nang tumungo ang lalaki kay Top. "Ako nang titingin kay Sarge. Dito ka kay Hazel."
Nagpalit ng pasyente ang dalawa. Lumuhod sa espasyo sa tabi ni Hazel si Ezra.
"Do something," Aaron ordered his cousin through gritted teeth, his eyes wide and wild with panic.
Idinantay nito ang palad sa ibabaw ng tama ni Hazel. His hand glowed blue.
"I need a telekinetic!" sigaw nito.
Agad na lumapit si Josiah at binigyang daan ito ng mommy ni Aaron para makaluhod ang isa pang pinsan sa tapat ni Ezra. Masidhi ang mga mata ni Ez nang bigyan nito ng instructions ang nakababatang pinsan.
"Kaya kong pigilan 'yung pagdugo pero kailangan mong hilahin palabas 'yung bala," sabi nito kay Joshia bago nito nilingon si Aaron. "Hindi ko pa kayang pagalingin 'yung sugat niya. Hindi pa ako gan'un kagaling o kalakas. I can patch her up temporarily pero hindi ko alam kung gaano katagal." Tiningala nito si Oliver na nakatalungko sa paanan ni Hazel na nakatingin lang sa kapatid. " Kailangan pa rin natin siyang dalhin sa ospital. Tumawag na po kayo ng ambulansya, sir."
"Tumawag na po," sabi nito na may matinding galit sa mga mata. "Gawin mo lang 'yung kaya mong gawin."
Tumango si Ezra saka tiningnan si Hazel sa mga mata. "It's going to hurt."
"Ako nang bahala," ani Sam mula sa bandang likuran na garalgal ang tinig. Pagaling na rin ang paso sa lalamunan nito. "I can blunt the pain."
Ayaw sana ni Aaron na bitawan si Hazel pero kailangan. Kaya niya itong pakawalan kung ang kapalit ay para sa ikabubuti nito. Inagat niya ang ulo nito saka siya sumilid paalis para makaluhod si Sam sa posisyon niya. Idinantay ni Sam ang mga palad sa mga sentido ni Hazel. Sinundan siya ng tingin ng babae pero namungay ang mga mata nito nang magpaubaya ito kay Sam. Para mabawasan ang sakit, kailangan nitong buksan ang sarili at hayaan ang pinsan niyang makapasok sa isip nito.
Napatingin siya kay Oliver na matalim ang mga mata. Hawak pa rin nito ang baril na ginamit nito kay Reyes. Nang kumilos ito, alam na niya ang gagawin ng lalaki. Babalikan nito si Reyes para tuluyan na itong patayin. Mabilis itong hinarangan ni Aaron. Hinawakan niya si Oliver sa pupulsuhan nang muli nitong itutok ang hawak na baril kay Reyes. Itinulak niya pataas ang braso nito hanggang sa kisame na nakatutok ang baril.
BINABASA MO ANG
The Mansion
ParanormalCOMPLETED Published by Bookware Publishing. --- Hindi naniniwala sa multo si Hazel pero hindi niya maikaila na baka totoo nga ang mga ito nang magsimula siyang makaramdam ng kababalaghan habang nakatira sa barracks ng PSG sa Mansion sa Baguio City...