Fourteen

3.2K 227 55
                                    


A/N: Huwag n'yo akong isumpa ah. Kasi pag isinumpa n'yo ako at maging multo ako, di n'yo na malalaman 'yung kasunod ehehe. Next update will be posted later tonight as soon as I'm done editing it, promise. Happy New Year!

---

Pagkatapos ng ikalawang pag-uusap nila ni Kenneth, saglit lang siyang naghintay bago biglang muling lumitaw sa Aaron. Hindi na ito nakasubsob sa damuhan kaya alam niyang hindi na ito nakipaglaban para makawala kay Reyes sa kuwarto at hinintay na lang na matapos silang dalawang mag-usap ng pinsan nito.

"Ano'ng sabi niya?" tanong nito nang muling maka-upo sa tabi niya.

"In-invite niya ako pumunta ng Manila. Ipapasundo raw nila kami ni Kuya Oliver mamayang one," sabi niya rito na hindi pa lubos na makapaniwalang makaka-usap niya ang mga magulang ng lalaki.

Tumango si Aaron pero parang malalim ang iniisip. Mahina niya itong siniko. "Ayaw mo ba?"

"Hindi!" mabilis nitong sabi na inaabot ang kamay niya. "Kinakabahan lang ako."

"Bakit naman?" Biglang nahaluan ng pag-aalala ang excitement ni Hazel. Ayaw ba nitong makilala niya ang mga magulang nito?

"Kasi nga hindi ko alam kung kumusta na sila. Dalawang taon akong nawala. Hindi ko alam kung ano nang nangyari sa kanila, kung paano na 'yung buhay nila habang wala ako. Miss na miss ko sila pero natatakot ako kasi baka wala naman na akong puwang sa mga buhay nila."

Pinisil niya ang kamay nito. "May sinabi si Kenneth kanina. Sabi niya buhay ka raw."

Mabilis siya nitong nilingon. "Buhay... ako?" mahina nitong tanong.

"Narinig kong sabi kanina ni Kenneth. Binago niya 'yung usapan agad kanina pero tinanong ko siya ulit n'ung tumawag siya. Hayaan ko na lang daw ang mommy mo na magpaliwanag."

"Baka ibig niyang sabihin na nandito pa ako at hindi na *buhay* ako." Pero sa kabila ng mga salita naririnig ni Hazel ang pag-asa. Alam niyang masakit 'yun dahil gumuguhit din ang pag-asang iyon sa puso niya. At kung malaman niya na mali sila, na wala na pala talaga ito, hindi niya alam kung paano niya 'yun matatanggap at malalampasan.

"Aalamin ko," pangako ni Hazel. "Pero nararamdaman ko naman dito," itinuro niya ang dibdib sa ibabaw ng puso, "buhay ka pa."

Ngumiti si Aaron sa kanya. "Sa loob ng dalawang taon, ngayon ko lang ginusto nang ganito katindi na buhay pa nga ako."

Inilapit nito ang sarili at idinikit ang noo sa noo niya. Ngumiti si Hazel at pumikit. At alam niyang gagawin niya ang lahat ng puwedeng gawin para sa lalaking ito.

★・・・・・・★・・・・・・★・・・・・・★

Dumating ang sundo nila pasado ala una at mabilis silang umalis ni Kuya Oliver papuntang Maynila. Nakasilip siya sa labas habang sakay ng isang private helicopter na lumapag sa helipad ng isang malaking compound na mukhang military base sa Fort Bonifacio.

Nakilala niya si Kenneth sa grupo ng tatlong lalaking sumalubong sa kanila. Ang dalawang kasama nito ay pawang mga unipormadong sundalo na nagpakilala bilang sina Major Robert Russel Manalo at Captain Elijah Cabrera na dalawa raw sa pinakamatatalik na kaibigan ni Aaron sa Academy.

Ipinakilala niya si Kuya Oliver sa mga ito pero magkakakilala naman na pala ang tatlo. Sumaludo ang kuya niya sa kapitan at sa major, pagkatapos ay nakipagkamay ito kay Kenneth. Matapos ang maiksing kumustahan, giniya sila ng mga sundalo sa isang SUV. Nagpasalamat si Kenneth sa mga ito para sa pagpapagamit ng helicopter at helipad, pagkatapos ay sumakay na sila sa SUV.

The MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon