Nineteen

3.5K 222 73
                                    

Sa kama ni Aaron naka-upo si Hazel. Hawak niya ang kamay nito habang nakatingin siya kay Sam na naka-upo sa isang maliit na sofa sa may bintana ng silid. Nasa tabi nito sina Tita Thea at Tito Bennett na dito rin nakatuon ang atensyon.

Nakatitig si Sam sa ibabaw ng coffee table sa harapan nito pero tila ba napakalayo ng isip nito. Ito pala ang ibig sabihin ni Everett nang sabihan nito kanina ang lalaki na "keep in touch". Literal na konektado ito ngayon sa kakambal, at nakikita, naririnig at nadarama nito ang lahat ng nakikita, naririnig at nadarama ni Kenneth sa barracks. Inilalarawan nito sa kanila ang mga nangyayari.

"Nand'un na 'yung anino," sabi ng lalaki na nagkuyom ng mga palad na nasa kandungan nito.

Lumundag ang puso ni Hazel at nadama niya ang takot.

"Anino ba talaga siya? Ano'ng hitsura niya?" tanong ng mommy ni Aaron.

"Mas madilim sa anino, Tita," sagot ni Sam. His eyes had darkened, literally, hanggang sa parang itim na ang mga iyon. "Korteng tao siya pero mas madilim d'un sa kadiliman sa labas n'ung circle."

"Is he sentient?" tanong ni Tito Bennett.

"Not exactly," mabagal nitong saad. Naningkit si Sam habang pinag-aaralan ang nilalang na nakikita nito gamit ang mga mata ng kakambal.

"But you can read him?" muling tanong ni Tita Thea.

Tumango ang lalaki.

"Paano siya napunta rito?" muling tanong ni Tita Thea.

"Galit," sagot ni Sam gamit ang tonong nagsasaad na mabagal nitong iniintindi ang anino. "Gawa siya sa galit." Saglit itong natahimik bago muling nagsalita. "Balak talaga ni Reyes na patayin si Aaron at na ikulong 'yung kaluluwa niya rito. Iniwan niya 'yung entity na 'yun para parusahan si Aaron. Hindi lang niya pinlano na astral body ang maikulong niya. Hindi niya rin niya inakala na kayang mag-astral travel ni Aaron. Hindi rin naisip ni Reyes na kakayanin ni Aaron 'yung mga kinakaya niyang gawin na magpakita, na magkaroon ng semblance ng corporeal body at na makagalaw ng mga bagay."

Inabot ni Tita Thea ang kamay ng asawa nito na nasa balikat nito. "That's because you kids are more powerful than we ever where," bulong nito.

Muling nanatiling tahimik si Sam at hinintay na lang nila ito habang nakikinig at nanonood sa mga nangyayari sa barracks.

Humigpit ang hawak ni Hazel sa kamay ni Aaron at hinaplos niya ng hinlalaki ang likod niyon kasabay ng isa pang dasal para sa kaligtasan ng lahat.

★・・・・・・★・・・・・・★・・・・・・★

"Ang sabi namin si Aaron ang lumabas, hindi ikaw," yamot na saad ni Josh habang nakatingin sa kadiliman sa labas ng protective circle.

Nasamid si Kenneth, nagsimulang tumawa si Ezra, at pumikit si Everett at umiling.

"Nasaan si Aaron?" tanong ni Joshua.

"Hindi n'yo siya mababawi," sabi ng anino.

"Nasaan siya?" giit na ni Everett.

"Nasaan siya?" ulit ng anino gaya ng ginagawa ng batang nang-aasar. "Nasaan siya? Nasaan siya?" Pagkatapos ay tumawa itong muli.

"Tangina. Tawa nang tawa eh," sabi ni Kenneth na, sa kanila, ay ang pinakahuli na dapat na mapipikon. Binato nito ng bola ng apoy ang anino na sumigaw sa galit. Saglit nilang nakita ang pula nitong mga mata bago ito lumundag pasugod na naka-usli ang mga braso. Muli itong sumigaw sa sakit nang tumama ito sa pader ng enerhiya na nakapalibot sa kanila.

Naghagis si Kenneth ng bola ng apoy sa kisame at ginamitan ito ni Ezra ng enerhiya para protektahan iyon sa hangin. Ni hindi nila sigurado kung nasa silid pa ba sila dahil parang iba na ang hitsura niyon. Parang puro kadiliman hanggang sa abot ng makikita.

The MansionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon