Chapter 1

6.9K 111 7
                                        

LUDO POV

Maaga palang ay gising na ako.
Narito ako ngayon sa hardin nang aking ina,kaysarap pagmasdan ng mga pulang rosas at ang iba't-ibang uri ng mga bulaklak napakaganda sa paningin,

Ako at si ina nalang ang magkasama,bata palang ako nang bawian na nang buhay ang aking ama.
Ang sabi sakin ni ina naaksidente ang aking ama kaya maaga itong kinuha samin.Hindi na rin ako gaanong nagtatanong tungkol kay ama,baka nalulungkot ang aking ina kapag naaalala niya ito.

"Ludo...." malambing na tawag ni ina.

"Ina..."tugon ko.

"Linggo ngayon anak mamaya pupunta na tayo sa simbahan."nakangiting sabi niya.
Nakasanayan na naming dalawa ang magsimba tuwing linggo.

"Mag almusal na tayo at maaga pa tayong aalis..."alam niya kung gaano ako kasabik magsimba.

"Opo ina..."tugon ko at matamis na ngumiti.

Simpleng buhay lang ang mayroon kami,masasabi ko rin na napaka-swerte ko dahil biniyayaan ako ng isang inang mapag-mahal.

















THIRD PERSON POV

Sa isang tahimik na lugar napadpad ang sinasakyan nang kinakatakutang leader nang Mafia.

Walang iba kundi si,Azriel "Venom" Castillo.

"Boss mukhang naligaw na po natin sila".nakayukong saad nang kanyang tauhan.

Dahil  makapangyarihan at mayaman ang kanyang amo, marami ang gustong pumatay sa kanya.

Isa na roon ang mga katungggali niya sa negosyo at sa illegal na gawain.

"Just fucking drive" baliwalang tugon nito.

Parang balewala lang sa kanya ang mga nangyayari,nakapikit at prenteng nakasandal ito habang naka de-kwartro.

Pinagpatuloy nang kanyang tauhan ang pagmamaneho.

Hanggang sa may mga kabahayan na silang nakikita.

Tahimik at payapa ang lugar na kanilang nadadaan.

Malayo sa lugar na kanilang nakagisnan.

"What the fucking fuck bastard!!!"malamig at mariin nitong mura halatang galit na galit.

Nanginig sa takot ang kanyang tauhan sa sobrang lamig at riin nitong sigaw.

"P....pa..patawad po Boss"nauutal na sagot nito..

"May babaeng pong biglang tumawid".nanginginig parin ito sa takot habang nagsasalita.

"Titignan ko lang po kung ayos lang siya boss".Dali dali itong lumabas upang tignan kung anong nangyari sa babaeng muntik nang masagasaan.






















Enjoy reading♥️

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon