Chapter 16

1.5K 51 1
                                    

LUDO POV

Mariing na nakatingin sa akin si ina.

Hindi ko alam ang sasabihin.

"Kristina." Tawag ni aling marta kay ina.

"Si berto,nandito siya gusto niya daw akong makausap."dahil sa sinabi ni aling marta ay nawala ang atensyon ni ina sa akin.

"Anong kailangan niya sayo?Pagkatapos nang ginawa niyang pag-iwan sa inyo nang anak mong si letlet ay may lakas pa siyang loob na magpakita!."galit na sambit ni ina.

"G-gusto niya daw kaming kuhanin ni letlet,at humingi na siya nang tawad sa kanyang nagawang kasalanan.nakayukong paliwanag niya kay ina.

Wala pa ding pagbabago sa itsura ni ina napaka seryoso nitong tignan wala kang mababakas na emosyon sa kanyang mukha.

Kinabahan tuloy ako bigla,paano kapag nalaman ni ina na kasal ako.

Hindi ko alam ang gagawin kapag nagalit ito sa akin.

Wala rin naman kasiguraduhan sa kasunduan namin ni Arziel.

Wala kaming matinong pag-uusap,napaka bilis nang pangyayari.

Sa isang iglap kasal na kami.

"Kung nais mong sumama sa kanya sige pumapayag ako,wala naman akong karapatan na pigilan ka,may sarili kang pag-iisip at higit sa lahat wala din naman kasiguraduhan na tatagal din kami nang aking anak sa lugar na ito."

"M-maraming salamat kristina,sa pagpaptuloy niyo sa amin ni letlet sa inyong tahanan.Tatanawin kong isang malaking utang na loob ito..."

"Ate ludo...ate ludo."umiyak na tawag ni letlet sa akin.

Matamis ko itong ningitian.
Masaya ako para sa kanya dahil mabubuo na ulit ang kanilang pamilya.

"Letlet,masaya ako para sayo,sa wakas buo na ulit ang pamilya mo.
Narinig ko si ina at nanay marta mo na nandito daw ang tiyo berto para sunduin kayo...."

Hindi ito umimik.

Tahimik itong umiiyak.

Nakikita ko sa kanyang mga mata na nasasabik din ito.

Mabait naman ang tiyo berto niya wala naman kaming nabalitaan na sinaktan niya ang mag-iina sadyang sugarol lamang ito.

"Opo,ate ludo,wag po kayong mag-alala ni aling ina dadalawan po namin kayo ni inay."masayang pahayag nito.

"Mamimis namin kayo,lalo na si arf arf."

"Halika kana letlet,naghihintay na ang tiyo berto mo."kita din kay aling marta ang saya sa kanyang mga mata.

Lumapit si ina sa akin at niyakap ako.

Tila nakikita niya ang lungkot sa aking mga mata.
Napalapit na talaga sa akin ang batang si letlet.

"Sige na, umalis na kayo.baka magbago pa ang isip ni berto at iwanan kayo ulit."pagpapagaan nang loob ni ina.

Natawa naman kami sa kanyang sinabi.

Yumakap ang batang si letlet sa akin at nagpaalam ganun din ang ginawa niya kay ina.



















Please vote❤️

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon