LUDO POV
Kinabukasan ay maaga akong nagising upang magluluto ng almusal may mga brasong pumulupot sa akin,hindi ko na ito nilingon amoy palang ay alam ko na kung sino ito.
"What is my baby cooking?tanong nito habang ina-amoy amoy ang aking leeg.
'Tuyo at itlog."maikling sagot ko.
Nang lingunin ko siya ay nakita ko ang pagkunot noo nito.
"Tu-tuyo what?
"Hmmm...masarap to,pinabili ko noong nakaraang-araw kay Nanay Sol."
Nang matapos na akong mag prito ay inaya ko na itong kumain.
Matagal niyang tinititigan ang mga iyon bago umupo,hindi parin nawawala ang pagkunot-noo nito.
"Ayaw mo ba?kung ayaw mo pwede naman akong magluto ng iba."inosenteng tanong ko dito.
Alam kong hindi siya sanay sa mga pagkain na ito maliban nalang sa pritong itlog,dahil lahat ng mga inahain nila sa amin ay mga purong banyagang pagkain,may sariling taga luto pa nga ito sa kanyang mansyon.
"No,its ok."maikling sagot nito,at nag-umpisa ng sumubo,noong una ay mabagal ang pagnguya nito na kalaunan ay nagtuloy-tuloy na.
Napangiti ako dahil hindi ito nagreklamo,maganang sinabayan ko narin siya sa pagkain.
"Siya nga pala,anong oras tayo lilipat sa kabilang isla?
"Are you sure,you want to go?
Tumango ako dito.
"Maybe later okay,just continue your food."
----
Pagkatapos naming kumain ay pinaakyat na ako ni Azriel upang maligo.
Nakaramdam ako ng pagka-galak sa wakas makikita ko na ang kabilang isla.
Ano kaya itsura nito,katulad din ba ito ng kay Azriel?Nakasuot ako ng bestidang kulay rosas na hanggang itaas ng aking tuhod, kita din ang likuran bahagi ko ng bahagya,isa ito sa mga pinamili ni Azriel.
Nakatingin ako sa salamin,kitang kita ko ang pamumula ng aking mga pisngi waring may nakalagay na make-up na tinatawag.
Ito ay dahil sa pagbibilad ko sa araw,ilang araw na din akong namumulot ng mga malilit na kabibe bilang isang libangan."Can we just not leave."may malamig na boses akong narinig sa aking likuran.
"Naka Oo na tayo Azriel."
"Where the baby "ill mio bambino"
"Eh,hindi kana baby upang tawagin pa kita noon,hmmmmm...."
Nag-isip ako ng magandang itatawag dito.
"Irog nalang kaya?nakangiti kong sabi,nilingon ko ito at kita ko kung paano nagbago ang kanyang ekpresyon may maliit na ngiti ito sa labi.
"What does that mean?
"Sikreto muna"lumapit ito sa akin at hinalikan ang aking noo.
"Call me irog then."
Mukhang nakahanda na ito sa aming pag-alis nakasuot na ito ng itim na pantalon at kulay itim na t-shirt kitang kita ang kakisigan nito.
"Are you ready?
Tanong nito,tumango ako bilang tugon.
"Okay,let's go."
-------
Isinakay niya ako sa kanyang yate.
Manghang mangha ako habang nakatingin sa dagat nililipad ng hangin ang aking mahabang buhok pero hindi ko ito inalintana.
At hindi kalaunan ay may nakikita na akong mga bahay sa di kalayuan.
Tuwang-tuwa kong nilingon si Azriel sa taas na siyang nagmamaniobra ng aming sinasakyang yate.
Nakatingin ito sa akin, na walang bakas na emosyon.
"Senyorito,senyorita"malakas na sigaw ng taong nasa pangpang.
Nang aking pinakatitigan kung sino ng mga taong kumakaway at nagaabang sa aming pagdating ay laking tuwa ko ng makita ang mag-asawang sina nanay sol at tatay fidel na sa kanilang tabi ay ang babaeng morena na tahimik na naghihintay.
BINABASA MO ANG
Mafia Obssesion
ActionSi Ludo Marie Arabel ay lumaki sa payapang lugar kasama ang ina' .Masaya silang namumuhay sa tahimik na lugar,mahilig ang kanyang ina sa pagtatanim nang mga bulaklak kaya naman nakahiligan na din niya ito.At ito na din ang kanilang hanap buhay. Paa...