Chapter 20

1.4K 59 0
                                    

LUDO POV

Hindi natuloy ang balak na pagbili ni Azriel sa kanilang lupa.

Ang iilan ay ibinalik ang kanilang lupa at binigyan nang pera.

Marami ang nagulat dahil dito.

Ang sabi ni ina ay pasikat daw ito.

Sayang nga lang at nakaalis na sina Aling marta at Aling gina.

Para sana maibalik din ang kanilang bahay at lupa.



Ilang araw na rin akong hindi kinikibo ni ina.

Mukhang galit pa ito sa akin dahil sa aking biglaang pagpapakasal.

Hangang ngayon ay hindi parin ako maka-paniwala,iniisip ko rin kung bakit hindi siya nagpapakita sa akin.

Mag-dadalawang linggo ko na rin itong hindi nakikita.

At hindi mabura-bura sa aking isapan ang paghalik niya sa aking noo.

Parang baliw ang tibok ng puso niya sa loob ng kanyang dibdib.

"Ludo,anak...."tawag ni ina.

"Bakit po ina..."

Ngayon lang ulit ako tinawag ni ina.
Kaya gumaan ng kaunti ang aking pakiramdam.

"Halika muna sa loob may mahalaga tayong pag-uusapan."binitawan ko ang gamit kong balde sa pagdidilig ng aming mga bulaklakat sinundan ito papasok sa'ming bahay.

Pagkapasok sa loob nang bahay umupo ito sa aming sofa,linapitan ko ito at umupo sa kanyang tabi.

Tinitigan muna niya ako ng matagal bago nagbuga ng malalim na buntong hininga.

"Pagpasensyahan mo sana ang iyong ina,alam ko ginawa mo lang iyon para sa akin,dahil alam mo na mahal ko ang lupang ito at mahalaga ito sa akin.Pero kasi anak hindi ko maatim na maikasal ka sa lalaking iyon hindi natin siya lubos na kakilala at higit sa lahat may pagka arogante.Hindi naging maganda ang unang engkwentro natin sa kanya nakita mo naman kung paano niya itutok ang baril niya sa akin."

Bigla kong naalala ang mga nangyari.

"Napaka yabang pa,hindi ko siya gusto para sayo...."habol pa niya.

"Pero kasal na kayo,may karapatan siya sa iyo.Kaya nakapag isip-isip ako na kung magpunta ulit siya dito ay sumama kana sa kanya."mabilis ako ko itiong kinontra.

Ayokong iwanang mag-isa ito.

"Pero in-

"Ludo anak,makinig ka.."putol niya sa aking sasabihin.

"Kung iniisip mo ako wag kang mag-alala.
Sina marta at ang anak niyang si letlet ay nakita ko sa kabilang bayan.
Inalok ko ang mga ito na kung maari ay tumira na lang sila sa ating tahanan kasama si berto.
Bibigyan ko nang trabaho si berto at marta.
Pagod na din akong magtinda mag-isa anak."

"Alam ko nagtataka ka anak kung bakit ko sila nakausap.
Hindi na sila natuloy sa maynila dahil nabalitaan daw nila na magulo doon kaya nakituloy sila sa tiyahin ni berto.
Pumayag naman sila sa alok ko.Yung bahay nila na isinaoli nang mayabang mong asawa ay ipaparenta nalang daw nila."nakangiti nitong paliwanag sa akin.

"Ina...."

"Alam kong darating ang araw na ito.
Magkakaroon ka nang sariling pamilya biglaan nga lang dahil na pikot ka.
Napaghandaan ko na ang araw na ito ludo."pinipilit parin nito na napikot lang ako.

"Hi-hindi ko po alam kong makakaya kong mawalay sayo ina,sa loob nang labing siyam ikaw lang ang tangi kong kasama."biglang lumungkot ang mukha ni ina.

Totoo ang kanyang sinabi.
Sa loob ng labing siyam na taon ay ngayon lang ito mawawalay sa piling ng kanyang ina.

"Wag mo akong isipin anak,andyan naman ang batang si letlet,at siyempre dadalawan mo naman ako hindi ba."pagpapagaan niya sa loob ko.

Alam kong buo na ang desisyon ni ina kaya napipilitang akong sumang-ayon dito.














Please vote❤️

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon