Chapter 82

1.1K 32 3
                                    

LUDO POV

Tatlong buwan,sa tatlong buwan na pananatili ko sa puder ni Eros ay naging maayos ang aking lagay.

Noong unang araw ko dito ay sobra akong nahirapan ,halos hindi ako makakain at lagi din akong nahihilo at naduduwal.

Nahihiya nga ako kay Eros dahil,siya na halos ang umaasikaso sa akin.

Narito kami ngayon sa isang tagong lugar,dito niya ako dinala dahil sa makapangyarihan at kilalang tao si Azriel ay madali para dito ang mahanap ako kung mananatili pa ako sa lungsod o di kaya ay babalik sa nayon.

Alam na ni Ina ang tungkol sa kasal namin ni Azriel,galit na galit ito sa nalaman.

Gusto nga niyang sumugod para pukpukin ang ulo ni Azriel pero pinigilan ko ito.

Nagtataka kayo kung bakit nagkaroon ako ng koneksyon kay ina.

Siya kasi ang hinahanap ko tuwing nagigising ako tuwing madaling araw.

Madali naman nahanap ito ni Eros,nagtataka nga ako kung bakit niya nalaman ang aming nayon,kapag tinatanong ko naman ito ay kibit balikat lang ang sagot nito sa akin.

"Doll,what are you doing?

Ningitian ko ito ng matamis ng makita kong papalapit ito sa akin.

"Kumakaen,gusto mo?

Napangiwi ito sa nakita.

"What'sthat?

"Eto ba? Mangga at ginisang bagoong na may maraming ketchup at pipino na may kamatis,gusto mo ba?ng tignan ko ang aking kinakain ay kakaunti nalang ito.

Napabusangot ako sa nakita,hiniling ko nalang sa aking isipan na sana ay tumanggi ito.

Naluluha akong naghihintay sa sagot nito.Sana pala ay hindi ko nalang ito inalok.

"No thank,I'm full."

"Yes"napatalon ako sa tuwa.

Nakita ko kung paano ito tipid na ngumiti.

Hindi nalalayo ang ugali ni Eros kay Unggoy,unggoy nalang ang itatawag ko dito ayoko ng marinig ang pangalan nito.

Makisig at magandang lalaki din ito,pero mas nakakatakot ang itsura ng unggoy kaysa kay Eros.

"Alam kong napipilitan ka lang magbigay,konti nalang iiyak kana."at tumawa ito ng malakas.

Napanguso nalang ako sa sinabi nito.

"So fucking cute"mahinang bulong
nito.

"By the way, tomorrow you have an appointment with an OB, you need to check the condition of the baby."

"Hmmmm..."tumango lang ako dito bilang tugon.

"Asan na ang 20 pesos."nagtaka naman ito sa aking inasal lalo na ng inilahad ko ang mga palad ko.

"Why?

"Tsk..tsk...nakalimutan mo na ba? Ang magsalita ng wikang ingles ay may multa."ngumiti ako ng pagkatamis-tamis dito.

"Nagiging wais kana hah."umiiling-iling ito habang dumudukot sa kanyang bulsa.

Mabilis naman akong tumayo upang kuhanin ang garapon na lagayan ko ng mga perang aking naipon.

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon