THIRD POV PERSON
"The mafia lord needs to find a wife as soon as possible".yan ang ibinungad sa kanya ng kanyang kanang kamay na si Alejandro pagpasok sa kanyang opisina.
"Who said".malamig niyang tugon.
"The counsil Azriel". Walang takot na sagot nito.
Sa kanyang mga tauhan ang kanang kamay lang niya ang hindi natatakot sa kanya sa kadahilanang magkababata at may malalim silang pinagsamahan.
Isang matapat at mapagkakatiwalaang tao si Alejandro De Asis.
"Sa tingin ko gumagawa na sila nang hakbang para mapa-bagsak ka!.Naghahanap na sila nang kahinaan mo".pagpapatuloy na saad pa niya.
Sinuklian ito ni Azriel nang malamig na tingin at kasabay nang pag-ngisi niya.
Nakakakilabot ang kanyang mga ngisi waring may binabalak na masama.
Kung ibang tao lang ang makakakita rito siguradong manginginig na siya sa takot .
"No one can defeat me,even those fucking councils!!.Ramdam mo ang dilim sa boses nito.
"Penso di trovare la mia futura moglie".
LUDO POV
Limang araw na akong nasa loob lang nang bahay,hindi ako pinapayagan ni ina sa pagsama sa kanya sa palengke.
Pinagalitan niya ako dahil sa nangyari sa'kin.Mabuti na lang daw at hindi ako nasagasaan.
Di pa rin mabura sa isipan ko iyong itsura nang lalaking may kulay abong mga mata.
"Awww ..aww .aww"
Natatawa akong lumingon sa aking likuran.
"Arf Arf,gutom kana naman ba?"
Si Arf Arf ang asong nailigtas ko.
Wala na daw namagmay-ari sa kanya palaboy laboy lang ito sa daan kaya naman nakiusap ako kay ina na iuwi nalang ito.
Kahit galit ito sa akin ay pumayag naman siya.
"Kristina....kristina"Balisang tawag ni Aling Gina.
"Aling Gina,wala pa po si ina nasa pamilihan pa..."
"May problema po ba..?"Tanong ko sa kanya ng mapansin ko ang pagiging balisa niya.
"Sandali lang po ikukuha ko kayo nang maiinom mukhang napagod po kayo".Iniwan ko ito at kinuhanan nang tubig na maiinom.
"Heto po,uminom muna kayo".
Nang maiabot ko ang basong may lamang tubig ay mabilis niya itong itinungga.
"May masama akong ibabalita sa iyong ina,ang kaso wala pa siya,kaya sayo ko nalang ipapaalam".Kinabahan ako bigla sa kanyang sinabi.
"May mayamang tao ang gustong bumili nang mga lupang kinatitirikan nang ating mga bahay,halos ng karamihan ay pumayag na sa sobrang laki nang perang kanilang inaalok."pagpapatuloy nito.
Bigla akong nalungkot sa aking narinig.
"Limang pamilya nalang ang hindi pumapayag kabilang na ako at iyong ina kung sakali."
Natulala ako sa aking narinig.
Papaano nalang kami kung sakaling sapilitan itong bilhin sa amin.
Ano ang mararamdam ni Ina kapag nalaman niya ang balitang ito.
Please vote❤️
BINABASA MO ANG
Mafia Obssesion
ActionSi Ludo Marie Arabel ay lumaki sa payapang lugar kasama ang ina' .Masaya silang namumuhay sa tahimik na lugar,mahilig ang kanyang ina sa pagtatanim nang mga bulaklak kaya naman nakahiligan na din niya ito.At ito na din ang kanilang hanap buhay. Paa...
