Chapter 6

2.1K 87 9
                                        

LUDO POV

Abala ako sa paninitig sa asul na langit nang may umupo sa aking tabi.


Nang lingunin ko ito ay laking gulat ko sa aking nakita.

Ang lalaking may kulay abong mga mata.

Mariin itong nakatingin sa akin.

Hindi ko mabasa ang kanyang emosyon napaka seryoso nito at nakakatakot ang kanyang presensya.

    
"What are you doing here"il mio bambino?malamig na tanong niya.

Kumunot ang aking noo dahil sa hindi ko maintindihan ang kakaibang lenggwaheng  na kanyang ginamit.

"I am talking to you?."mariin na sinabi niya.

Naiintindihan ko kung ano ang kanyang sinasabi tinuruan ako ni ina sa wikang english at pumasok din ako sa paaralan,hanggang high school nga lang ang aking natapos sa kadahilan kulang ang mga istraktura sa aming lugar.

"Nag....nag..pa..pahangin lang po..."mahinang sagot ko.

"Do you know that being alone is dangerous for someone like you "il mio bambino."nakakatakot na sambit nito.

Hindi ko maiwasang matakot sa kanya,kakaiba ang kanyang mga tingin waring may masamang binabalak.

"M..ma matagal na po akong naninirahan dito mister,lahat nang mga tao dito ay aking kakilala at alam kong mababait po sila."
Gusto kong ipaalam sa kanya na mababait ang mga tao'sa aming lugar.

  Mukha pa naman siyang dayuhan.

"Are you sure that everyone here is kind?."mariin at malamig niyang tanong.

Mukhang ipinaglihi ito sa sama nang loob laging mukhang galit.

"M-marunong ka po bang magtagalog lagi kasing wikang ingles ang iyong sinasabi?"hindi ko mapigilang itanong sa kanya.

Nakagat ko bigla ang ibabang labi.

Kinabahan ako.

Mukha pa naman siyang  hindi dapat binibiro.

"K-kung  hindi tuturuan po kita."Napatakip ako bigla sa aking bibig hindi ko nais na sabihin pa 'yon.

Eh kasi naman seryoso lang siyang nakatitig sa akin.

"K-kung ayaw mo naman ayos lang po."

Mariin pa rin itong nakatingin sa akin.

Tumikhim ito kaya napalingon ako sa kanya.

"Il mio bambino".nakangising sambit nito.

"tornerò da te,sei mio"nakakakilabot niyang sambit.


Tumayo ito at walang lingon siyang umalis.

Nakita ko na lang siyang sumakay sa isang magarang sasakyan.

Sa kanyang pag-alis ay doon ko lamang nailabas ang naipong hangin sa aking dibdib.

Nakakakaba itong kausap .












Please vote❤️

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon