Chapter 76

1K 32 0
                                    

LUDO POV

Tatlong araw kong hindi nakakausap at hindi nakikita si Azriel.

Nang araw na nagalit ito sa akin ay iyon din ang araw na umalis ito,hindi ko alam kung saan ito nagpunta,iniisip ko tuloy kung tuluyan na niya akong iniwan sa Islang ito.

Bigla ko tuloy naalala ang mga tao sa nayon at si Ina.

May pumatak na luha sa aking mga mata,hindi ko mapigilang maging emosyonal.


Sa mga nagdaang araw ay lagi nalang akong umiiyak,paggising ko rin ay lagi akong naduduwal at nahihilo,gusto ko sanang sabihin ito kay Azriel pero wala ito sa bahay at alam kong galit pa ito sa akin.

Bumaba na ako sa aking silid ng maramdaman ko ang pagkalam ng aking tiyan.



At sa baba ay hindi ko inaasahan ang makikita si Mira na abala sa pagluluto sa kusina.



Nang mapansin niya akong nakatayo ay lumingon ito sa akin.


"Gising kana pala,pasensya kana pinakialam ko na ang iyong kusina si Azi kasi ng rerequest ng adobo."at ngumiti ito ng pagkatamis tamis.



Ibig bang sabihin ay narito na si Azriel.




"Good morning"malamig na boses na bati ng bgong dating.





Nang lingunin ko ito ay nakaramdam ako ng saya.


Babatiin kona sana siya ng may mabilis na babeng lumapit dito at mabilis na hinalikan ito sa labi.


"Good morning din Azi,kamusta tulog mo?


Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa aking nakita.

Tulala  akong nakatingin sa dalawa.

Nabalin ang malamig na tingin ni Azriel sa akin.

Ang mga mata nito ay malamig na na
katingin sa akin.




Pinipigilan ko ang aking mga luha,ayaw kong ipakita sa kanya na nasasaktan ako.





Ang sabi ni Ina kung ayaw sa akin ng isang tao ay wag ko itong ipilit.



Kaya hahayaan ko siya kung saan ito masaya.








Pinagkibit ko ang aking mga balikat bago tumalikod at dumiretso sa kusina upang magtimpla ng gatas,nawalan ako ng ganang kumain.





Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon