LUDO POV
Tssskk..."dinig kong ismid ni ina.
"Alam mo bang maraming gustong manligaw diyan sa anak ko? Madali ka lang niyan mapapalitan kung sakali." nakagat niya ang sariling labi ng marinig ang sinabi ng kanyang ina.
Napalunok siya nang makitang nag-igtingan ang panga nito.
"Ay iyong si greko gusto daw makilala ang anak mo,ito kasing si letlet laging ibinibida nitong si ludo doon,," inosenteng singit ni Aling marta.
"Let's go! mararamdaman mo ang awtoridad sa kanyang boses.
Lumapit ito sa akin at naramdaman ko ang matigas niyang braso sa aking baywang habang iginigiya palabas.
"Hoy lalaki,hayaan mong magpaalam muna ang anak ko sa amin,at yung mga gamit niya ay nakahanda na kukunin nalang sa kanyang silid.
Hala!sige kunin mo doon!
Letlet ituro mo ang silid nang ate ludo mo sa antipatikong asawa niya!.""Ay...asawa ka pala ni ate ludo,apaka pogi mo naman kuya." manghang saad ni letlet.
"Letlet magtigil ka nga!.suway nang kanyang inay. Napalabi nalang ito sa pagsuway ng kanyang inay.
"Halika na po kuya."aya niya sa aking katabi.
Sinubukan kong humiwalay ngunit humigpit ang kanyang kapit sa akin.
"A-azriel,tu-tulungan mo na si letlet pakiusap."pagkukumbinsi ko sa kanya.
Binalingan niya saglit ng tingin si letlet.
Kalaunan ay tumuwid ito ng tayo ng hindi tinatanggal ang mga mata sa kanyang mga mata."Halika na po kuya,"
"Don't you dare to leave "il mio bambino". matigas na ani nito.
Naunang naglakad si letlet na sinundan niya.
Pagka-alis nang dalawa kinuha ni ina ang aking atensyon.
"Mukhang wala na akong magagawa pa anak,kukunin ka na nang asawa mo sa akin,basta ang maipapayo ko sayo ay wag na wag kang papa under sa kanya."nakangiting saad niya.
Hindi maitatanggi sa magandang mukha ni ina ang labis na kalungkutan.
Lumapit ako dito at niyakap siya ng mahigpit.
"Ina,lahat nang turo mo sa akin ay hindi ko malilimutan,lahat nang mga 'yon ay nakatatak sa aking isipan." pinipigilan kong huwag maluha sa kanyang harapan.
"Basta wag na wag mong iisipin na mas mahalaga ang bahay at lupa kaysa sa iyo anak, kaya ko itong isakripisyo para sayo."
Alam ko sa naging aksyon mo ay buo na ang iyong loob.Kapag sinaktan ka niya o di kaya ay nahihirapan ka sa masamang pag-uugali niya bumalik ka dito anak.
Ilalayo kita sa kanya." madamdaming saad ni ina sa akin."Kristina,ako'y nagtataka noong umalis kami ay walang asawa ang iyong anak halos ilang araw palang ang nakakaraan.
Wala din kaming nababalitaan na ikinasal ito."nagtatakang tanong ni Aling marta.
Na kanina pa nakamasid sa amin."Pinikot siya! busangot ang mukhang nakatingin ito sa papalapit na si Azriel.
Bitbit ni Azriel ang bag na naglalaman nang aking mga gamit.
"Ate ludo,isasama mo ba si arf arf."malungkot na tanong niya habang nasa kanyang bisig ang asong si Arf arf.
Umupo ako sa kanyang harapan at hinaplos ang mukha ng mabalahibong aso.
Tulog na naman ang asong ito.
"Iiwan ko siya sayo letlet,hindi mo naman siya papabayaan hindi ba?"
"Opo..opo..ate."mabilis na sang-ayon niya.
"Let's go Il mio bambino."
Naramdaman niyang muli ang mahigpit niyang pagyapos sa bagywang niya.
"Mag-iingat ka anak,mahal na mahal kita lagi mong tatandaan."Sige na umalis na kayo nakabusangot na ang iyong asawa."
Tinignan ko ang tinutukoy ni ina nakakunot ang noo niya.
"Nagmamaktol na yata."
Lumapit si ina sa akin at hinaplos niya ang buhok nitong magulo at sinuklay iyon gamit ang mga daliri niya.
"Paalam anak ko,mag-iingat ka doon."
Please vote❤️
BINABASA MO ANG
Mafia Obssesion
БоевикSi Ludo Marie Arabel ay lumaki sa payapang lugar kasama ang ina' .Masaya silang namumuhay sa tahimik na lugar,mahilig ang kanyang ina sa pagtatanim nang mga bulaklak kaya naman nakahiligan na din niya ito.At ito na din ang kanilang hanap buhay. Paa...