LUDO POVPaggising ko ay umaga na,tumambad sa akin ang hindi pamilyar na silid.
Ang kulay puting kurtina ay nililipad ng hangin,tumayo ako at tinungo iyon.
Nang hawiin ko ang puting kurtina ay tumamabad sa akin ang napakagandang tanawin.Kulay asul na dagat ang unang bumungad sa akin paghawi ko sa kurtina.
Napaganda ng tanawin,ang mga ibon ay malayang lumilipad.
May mga puno ng niyog at iba't ibang uri ng mga halaman na nakalagay sa paso akong nakikita.Naagaw ng aking pansin ang mahinhin na tawa ng isang babae.
Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang nakatalikod na babae,morena ito at mahaba ang kulay itim nitong buhok,nakasuot ito ng simpleng bestida at mahabang puting palda.
Nakatayo sa harap niya si Azriel na mayroong seryosong mukha.
Nakikinig lamang ito sa sinasabi ng babae sa kanya.
Pero ang nakapagtataka ay kung bakit hindi niya ito sinisigawan.Napansin yata niya na may nakatingin sa kanya kaya nabaling ang kanyang atensyon dito sa aking pwesto.
Nang mapansin ng babae kung saan nakatingin si Azriel ay lumingon din ito sa aking kinaroroonan.
Nakita ko kung papaano nabura ng mga ngiti nito sa labi,may dumaang din lungkot sa kanyang mga mata.
Naglakad paalis si Azriel sa harap ng babae.
"Azi saan ka pupunta?
Narinig ko kung paano niya itong tawagin sa ibang pangalan,wala naman naging reaksyon doon si Azriel at patuloy lang ito sa paglalakad.
Hindi ko na makita kung saan ito gumawi.
Nang lingunin ko ang babae ay nakatingin na ito sa akin.
Matagal ang naging tinginan naming dalawa,naputol lamang iyon ng may mga kamay na pumulupot sa akin.
"My sleeping beauty is awake."bulong nito s aking tenga.
"Nasaan tayo Azriel"
"We're here on my private island baby,call me baby ,my "ill mio bambino".
Nakapalupot parin ang mga kamay nito sa aking baywang.
"May masakit pa ba sayo?
Tiningala ko ito,namangha ako sa kanyang pagsasalita ng tagalog.
Ngumiti ako dito at tumingkayad upang mahalikan ang ilong nito.
"Nagtatagalog ka pala eh."sinabi ko dito,narinig ko naman ang mahinang tawa nito.
"Yeah,you like it."tanong niya sakin.
Mabilis naman akong tumango,niyakap ako nito at hinagkan ang aking noo.
Nang magawi ang tingin ko sa labas ay naroon parin ang babae, nakatayo ito at nakatingin sa aming direksyon ng mapansin nito na nakatingin ako sa kanya ay mabilis itong naglakad palayo.
Sino ang babae iyon sa buhay ni Azriel?
Ano ang magiging papel nito🤔

BINABASA MO ANG
Mafia Obssesion
ActionSi Ludo Marie Arabel ay lumaki sa payapang lugar kasama ang ina' .Masaya silang namumuhay sa tahimik na lugar,mahilig ang kanyang ina sa pagtatanim nang mga bulaklak kaya naman nakahiligan na din niya ito.At ito na din ang kanilang hanap buhay. Paa...