Chapter 55

1.3K 44 0
                                    


LUDO POV

"Hey,wake up baby."mahinang bulong nito sa aking tenga.

Pagmulat ko sa aking mga mata ay bumungad sa akin ang napaka gwapong itsura ng aking asawa.

Masusi ko itong tinitigan,bibihira lamang itong magkaroon ng emosyon lagi itong nakakunot-noo.

"Az-azriel"

"You need to get up baby"mahina at malambing na sabi nito.

Napangiti ako dahil bibihira lamang ko ito marinig at makita ang  ganitong pagkatao niya.

Hinalikan niya ang aking noo at isinubsob ang kanyang mukha sa aking leeg.

Naramdaman kong sinisipsip nito ang aking leeg at mahinang kinakagat.

"Azriel anong gi-ginawa mo?"

"I'm marking you baby"

Pagkasabi niyang iyon ay mabilis itong tumayo at masusing pinagmasdan ang aking leeg.

Napabusangot ako ng biglang pumasok sa aking ala-ala ang napakaraming pulang pantal na aking nakita sa aking katawan.

"Ang tawag ba sa mga pulang pantal na nasa aking katawan ay hickey' Azriel paano kapag nakita nila ito,baka lumayo sila at pandirihan ako dahil sa mga ito,kaya kung maari ay maiwan nalang ako dito,tutal ay hindi ko naman alam kung saan ka pupunta at maggagabi pa."mahabang paliwanag ko dito.

Napangisi ito sa aking sinabi.

"You are wrong baby, when women see the marks on your neck, there will be jealous of you."

"Ah?hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihan.






----+--

Hindi rin nasunod ang aking nais na manatili na lamang sa bahay nito.

Kahit masakit pa ang aking katawan ay napilitan akong maglinis ng katawan at isuot ang napakagarang damit na aking nakita sa taas ng aking kama.

Kulay puti ito at mahaba na may hiwa sa gilid,kaya litaw ang aking mga mapuputing binti, nakalabas din ang aking likuran.o

Noong una ay nagdalawang isip ako na isuot ito at balak ko sanang palitan ng biglang may pumasok na isang babae sa aking silid,may bitbit itong isang malaking tila kahon na kulay itim.

Siya daw ang make-up artist na pinadala ni Azriel.

"Napakaganda mo naman Madam,mukha kang angel na bumaba sa lupa."puri nito sa akin habang inaayos ang aking buhok.

"Natural na ang pagka-kulot ng iyong buhok kaya naman hahayaan ko na lamang itong nakalugay,at sa make-up naman ay  konti lang din ang aking ini-apply,natural din ang pagkapula ng iyong labi,at ang mga pilik mata mo ay natural din ang pagka curve mapapa sanaol  kana lang madam,how to be you po."mahabang salaysay nito,tila  maghang mangha ito sa akin.

Sinuklian ko na lamang ito ng tipid na ngiti.

"Ayan tapos na madam."masayang sinabi nito.

Mabilis din niyang niligpit ang kanyang mga gamit.

Tumayo ako para tignan ang aking itsura sa malaking salamin na narito sa aking silid.

Namangha ako sa aking nakikita,napakaganda ng kinalabasan ng kanyang ginawa.

"An-ang ganda."

"Napakaganda mo nga madam,sigurado maraming mamamangha sayong mga kalalakihan sa party na iyong dadaluhan kasama si Mr Castillo."

Nakangiti ko itong tinignan.

"Hmmm ..maraming salamat?

"Marina,tawagin mo nalang akong marina Mrs,Castillo."

"Maraming salamat marina,Ludo na lamang din ang itawag mo sa akin."

"Ay nako madam hindi pwede baka magalit ang iyong mister,napaka gwapo ng iyong asawa pero mukhang bugnutin naman."dire-diretsong salita nito.

Naputol ang aming pag-uusap ng may mahihinang katok kaming narinig.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang naka pusturang si Alejndro.

"Ay pogi din ito"mahinang bulong ng aking kasama na dinig ko naman.









Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon