Chapter 66

1.2K 53 2
                                    

LUDO POV

Itinigil ni Azriel ang kanyang yate sa mababaw na bahagi ng dagat.Bumaba na ito sa kanyang pwesto at lumapit aa akin.

"Let's go."at nauna itong tumalon,nabasa ang kanyang suot na pantalon hanggang tuhod nito ang tubig.

"Come here baby."iniabot nito ang kanyang kamay upang alalayan akong bumaba.

Nang maiabot ko na ito sa kanya ay dahan-dahan niya akong inakay at binuhat.

Sumiksik ako sa matigas na dibdib nito dahil sa hiya,dumarami narin kasi ang mga tao na nakatingin sa amin.

Lumapit ang mag-asawa at masaya kaming sinalubong.

"Magandang umaga senyorito at
senyorita,maraming salamat at tinugon niyo ang aming paanyaya."

"Kami nga po dapat ang magpasalamat Tatay fidel sa inyo."nakangiti kong tugon dito.

Buhat-buhat parin ako ni Azriel tila walang balak na ibaba ako.

"Azi,mukhang nahihirapan kana,maari mo na siyang ibaba."

Tila wala namang narinig si Azriel.

"Let's go,men are already looking at my wife."

"Sige po,sumunod nalang kayo sa amin senyorito."sinabi ni Nanay Sol kay Azriel.

Nauna na nga itong naglakad sa amin kasama ang kanyang asawa.

Ang babae ay tahimik na sumusunod sa aming likuran.

"Mira"

May babaeng tumakbo ang lumapit sa babaeng tinawag na Mira.
Mira pala ang pangalan niya.

"Uy Mira,happy birthday sayo makikikaen kame ng barkada mamaya ha!at malakas itong tumawa.

"Sige,pakisabihan mo narin ang iba na magpunta mamaya."sagot nito.

"Ang pogi nung lalaki,siya ba ang kababata mong si Azi,yung matagal mo nang ikinukwento."

Tahimik lang akong nakikinig habang buhat parin ni Azriel.

Nang tingalain ko naman ito ay tila wala siyang pakialam sa naririnig.

"Oo"tipid na sagot nito.

"Sino ang babaeng pasan-pasan niya,mukhang maganda hah."

Hindi ito tumugon bagkos ay mahabang katahimikan lang ang naganap.

"Nandito na po tayo senyorito,senyorita sa aming munting tirahan."

Nagpumilit akong bumaba dito at hinayaan na lamang niya ako.

"Be careful baby."

Hindi ko ito pinansin,ang buong atensyon ko ay nasa bahay na gawa sa kahoy at semento,napaka ganda nito may maaliwalas na teresa ito sa taas may mga halaman at bulaklak din na nakasabit dito,sa kanilang bakuran ay puno ng mga bulaklak na nakalagay sa paso.

May mga upuan at mesa din dito na nakaayos.

Simple lang ang pagkakaayos ng mga ito,at may mga iba't ibang uri ng mga pagkain ang nakahain sa mahabang lamesa.

"Azi,sa loob ka nalang kumain maraming tao dito,ayaw na ayaw mo pa naman ang maraming nakatingin sayo."

Nilingon ko ang babaeng nagsalita,nasa tabi na ito ni Azriel ngayon.

"Aba'y Mira iyan naba yung nobyo mo na nasa siyudad na lagi mong ikinukwento noon."biglang may matandang babae ang nagsalita.

"Ke gwapong bata,bagay na bagay kayo."

Nahaharangan ako ng likuran ni Azriel kaya hindi nila ako nakikita.

May naririnig pa akong mga bulungan ng mga kababaihan.

"Ang swerte ni mira no,balita ko anak mayaman daw iyan."

"Siya ang may-ari ng kabilang isla."

"Napaka swerte naman niya."

Nakita ko kung paano mamula ang pisngi ng babae,at kung paano nito pasimpleng inipit ang buhok sa kanyang tenga.

"Halika na"aya nito kay Azriel,ang ina nito at ama ay nagpaaalam na aasikasuhin ang mga ibang panauhin.

Hindi ito pinansin ni Azriel,bagkus ay hinapit niya ang aking baywang palapit sa kanya.

"Do you want to go home?

Tiningala ko ito at kita ko ang pagdilim ng mukha nito.

Hindi ko maintidihan kong bakit mukhang galit ito.

Umiling ako bilang tugon.

"Nandito na tayo irog,tsaka baka magtampo si nanay sol at tatay fidel sayo."

"My innocent baby"

Vote

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon