Chapter 17

1.4K 53 0
                                    


LUDO POV

Kinabusan ay tahimik kaming nag-aalmusal nang may biglang kumatok sa aming pinto.

"Ako na po ang magbubukas ina."

Baka isa ito sa mga kapit-bahay naming magpapaalam.

Sina Aling Gina at Aling Marta  ay lumuwas na pa maynila ayon sa mga narinig naming mga balita.

Walang ibinigay na detalye si Aling Marta kung saan sila dadalhin ni Mang Berto.

Si Aling Gina ay sa maynila ang punta may kamag-anak daw kasi sila doon.

Pagka-bukas nang pinto ay agad  bumungad sa akin ang isang madilim na mukha ng isang lalaki.

Mahahalata mo sa kanyang itsura ang labis na galit.

"Who said you could leave yesterday!."galit niyang turan.

Hindi ko inaasahan ang pagpunta niya dito.

Akala ko porke't kasal na kami ay ayos na ang lahat.

"SPEAK!! I'M TALKING TO YOU WOMAN!galit na sigaw niya.

Dahil sa pagkabigla ay  napaigtad ako at napaatras.

Napansin niya ito kaya umaliwalas ng kaunti ang mukha niya.

"Ludo,sino yag sumisigaw na iyan."tumatakbong sambit ni ina.

Nang marating niya ang aming pwesto ay bigla itong natigilan.

Titig na titig ito sa taong nasa aking harapan.

"H-hind pa k-kami nakapag desisyon mister kaya maaari kanang umali-

"I don't care!!."pagputol niya sa sasabihin ni ina.

"I'm here for my wife."

"Kung ganun mister,namali ka nang bahay na pinuntahan!
Wala dito ang iyong asawa."

Kinabahan ako bigla.

Ano nalang ang magiging reaksyon ni ina'kapag nalaman niya na ako ang asawang tinutukoy niya.

Dahil sa kaba ay napakagat ako sa aking labi,nilalaro ko na din ang aking mga daliri sa kamay.

Ang lalaking nasa aking harapan ay tila natutuwa sa mga nangyayari.

Nakangisi  itong nakatingin sa akin.

"Are you sure?."

Naguguluhang tumingin si ina sa akin.

Kagat-labing  umiwas ako ng tingin.

Madaling basahin ni ina ang aking emosyon,alam niya kung kailan ako nagsasabi nang totoo at nagsisinunghaling at higit sa lahat alam niyang basahin kung ako'y kinakabahan.

"Ludo,saan ka nanggaling kahapon?seryosong tanong niya sa akin.

Iniwas ko ang tingin sa kanya sa kadahilanang hindi ko kayang makipagtitigan madali niyang mababasa ang aking emosyon.

Ibinalin ko ang atensyon sa lalaking nasa aking harapan.

"Don't scare my wife,mother in law."seryosong sambit niya

Mahinang napasinghap si ina.

"Magpaliwanag ka ludo,ngayon din!.mariin niyang sabi.

"Can we talk inside?at walang pasantabing pumasok ito sa loob nang aming bahay diretso sa aming sala.

''Napakabastos talaga."narinig kong bulong ni ina at mariin itong lumingon sa akin.

"Maraming kang ipapaliwanag na bata ka,umalis ka lang saglit pag-uwi mo may asawa kana,!!
Sumasakit ulo ko sayo bata ka!."



















Please vote❤️

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon