Chapter 27

1.7K 55 0
                                        

LUDO POV

Apat na araw na ang nakakalipas simula ng lisanin ko ang aming nayon.

Sa nakalipas na apat na araw ay nililibang ko nalang ang sarili sa pagdidilig ng mga bulaklak o di kaya'y nakikipag kwentuhan kay Manang Sita.

Kapag tinutulungan ko ito sa gawaing bahay ay pinag-babawalan niya ako.

Magagalit daw ang kanilang amo na si Azriel.

Hindi ako sanay na pinagsisilbihan,nasanay ako sa aming nayon na may ginagawa.

Si Azriel ay abala sa kanyang trabaho.
Kaya bibihira ko nalang itong nakikita.
Ang sabi ni Manang Sita  ay noon pa man ay ganoon na talaga siya.

Bibihira lang din daw itong umuwi sa  bahay.

Hindi nalang ako nagrereklamo dahil alam ko,maraming umaasang mga trabahador sa kanya.

Kaya kapag nasa bahay na ito ay hindi ko siya kinukulit tungkol kay ina,miss na miss kona rin kasi siya.

Wala akong naging balita simula ng nakarating ako dito.















-----



Suot ang kulay puting bestida na hanggang itaas ng aking tuhod, Masayang pinag-mamasdan ko si Manang Sita na nagluluto.

May mga importanteng panauhin daw na darating si Azriel.

Ang tawag pa nga nila sa kanya ay "My lord"na aking ipinagtataka.

"Gusto ko po sanang tumulong manang,marunong naman po ako sa gawaing bahay."pangungulit ko sa kanya.

Ayaw niya talagang tulungan ko ito,kaya nakontento nalang ako sa panonood sa kanya.

"Naku anak,hinabilin ka sa amin nang aming amo na hindi ka pwedeng gumawa na kahit na ano sa gawaing bahay "napilit ko itong huwag akong  tawaging "My lady".
Ang sabi niya sa akin anak nalang  ang itatawag niya sa akin kapag wala si Azriel sa aming harapan.

"Pero po pinayagan naman niya akong magtubig nang mga bulaklak sa hardin,Kaya manang ayos lang sa kanya na tulungan kita ."pamimilit ko sa kanya.

Hindi talaga ako sanay na walang ginagawa kaya nais ko talaga itong tulungan, mukhang pa namang marami itong lulutuin.

"Hindi ko naman ito lahat lulutuin anak.
Ang iba ay ang nakatalagang taga-luto ang gagawa no'n
Medyo may pagka-pihikan kasi ang aming amo."

Napaisip tuloy ako kung ano ang paboritong ulam niya.

"Manang maari ko bang malaman kung ano paboritong ulam ni Azriel,ang sabi ni ina upang maging isang mabuting may bahay ay kailangan pagsilbilhan ko ito nang mabuti,kaya naman ipagluluto  ko siya".saad ko kay Manang.

Tila natuwa ito sa aking sinabi.

"Noong bata iyon ay gustong-gusto niya ang adobo ng kanyang ina,Ewan ko lang ngayon.
Matagal kasi bago siya nakabalik dito."nangunot ang aking noo sa narinig.

"Ano pong ibig mong sabihin manang?naguguluhang tanong ko.

Bumuntong hininga ito bago magsalita.

"Simula kasi nang mamatay ang kanyang ina,ay kinuha na siya nang kanyang ama para manirahan sa italya.
Oh.... bueno papayagan na kitang magluto at dapat hindi ako ang nagsasabi ng mga ganyang bagay sayo'asawa mo dapat ang magkwento."
Halika ka na at tutulungan na kitang magluto."

Tuwang-tuwang akong bumaba sa aking inuupuan,at lumapit dito.

Sana magustuhan niya ang lulutuin ko para sa kanya.
















Please vote❤️

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon