Chapter 38

1.4K 56 0
                                    

THIRD PERSON POV

Mabilis na kumikilos si Azriel,binuhat ang kanyang asawa na nag-aapoy sa lagnat.

Nakasuot ito ng isang puting long sleeve polo ito ang kanyang suot at hinubad kagabi,ito kasi ang mabilis na natuyo.

Lumantad ang makinis at mapuputing mga binti ni ludo.

Simaan ng tingin ni Azriel ang mga tauhan nito at dahil dito lahat sila ay nagsipag yuko.

"Where the cars?tanong niya kay Alejandro na nakasunod sa kanila.

"Follow me."nauna na itong naglakad at mabilis na tinahak ang daan patungo sa dalang sasakyan.

Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad ay nagising ang kanyang asawa na nasa kanyang mga bisig.

"A-azriel,u-uuwi na ba t-tayo,s-si ina g-gusto ko siyang m-makita p-pakiusap."umiiyak na saad nito.



Naramdaman ni Azriel na mahinang umiiyak ang asawa.

Nasanay si ludo na ang ina ang kasama tuwing ito ay may sakit,kaya hindi niya maiwasang makaramdam ng pangungulila dito.

Umigting ang mga panga ni Azriel at gustong-gusto na niyang  pumatay sa oras na ito  dahil sa galit na nararamdaman.

Galit para sa mga taong naging  dahilan ng pagkakasakit ng kanyang asawa.

Kitang kita niya kung paano mahirapan ang kanyang asawa,pulang-pula na rin ito at sobrang init ng kanyang katawan.

"Pssst just rest and sleep okay,then when you wake up you will see your mother hmmm."malambing na saad niya.

Hindi sinasadya ni Alejandro marinig ang malambing na boses niya.

At dahil dito ay napangisi ito.








------

Mabilis na nagmaneho ng sasakyan si Alejandro upang mabilis na makarating sa mansion ni Azriel na kasalukuyang may nag-aabang  na doktor para sa mabilisang  pagbibigay lunas sa may sakit na si Ludo.

Nang makarating sa tapat ng kanilang mansion ay dali-dali itong bumaba.

Mabilis na tinungo niya ang kanilang silid.

Sinalubong sila ng nag-aalalang si Manang Sita.

"My lady,nako ano pong nangyari sa kanya."nagaalalang tanong nito.

"Where's the doctor?

"Nasa taas na siya My Lord,kanina pa po siya nag-aabang doon.

Mabilis na umakyat ito,at sumunod naman ang matanda dito.

Nang marating ang silid nilang mag-asawa ay dahan-dahan niya itong hiniga sa malambot na kama.

May mahinang katok silang narinig at nang buksan ni Manang Sita ang pinto ay bumungad ang may katandaang babaeng doktor.

"Treat my wife."utos niya dito.

Lumapit ang matandang doktor at mabilis na sinuri ang walang malay na si Ludo.

"Her fever is high,please i need cold water,kailangan mapunasan muna ang buong katawan niya."

Mabilis ang naging kilos ni Mang Sita.

Dahan-dahan tinatanggal ng doktora ang mga butones na suot nag kanyang asawa.

"What the fuck!What are you doing?napasigaw ito dahil sa ginawa ng matandang doktor sa asawa.

Mabilis niya itong hinawi palayo sa asawa.

Mabilis na nilapitan ni Manang Sita ang mga ito.

"A-ako na po ang magpupunas ng basang bimpo sa buong katawan niya,at pagkatapos ay bibihisan ko na din siya."

Mabilis sumang-ayon ang matandang doktor.

"Maaari ka munang lumabas Mr Castillo,wag kang mag-alala kami na po ang bahala kay Mrs Castillo.

Inalis ni Azriel ang tingin sa asawang walay malay at ibinalin ito sa matandang doktor.

"Make sure she gets better."

Yumuko ito sa asawa at hinalikan ang noo.

Pagkatapos ay mabilis na naglakad palabas ng kanilang silid.






-----

Dumiretso ito sa kanyang opisina at bumungad sa kanya ang mga kaibigan nito.

"How is your wife?tanong ni Zandro na abala sa paglilinis ng kanyang baril.

Hindi niya ito sinagot namulsa lamang ito at naglakad papunta sa may veranda ng kanyang opisina.

"Alejandro, did you find out who
the traitor is?"

"Yeah."maikling sagot nito








"Your ex-fiance."





Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon