Maaga akong gumising para mapag handaan ang aking mga plano ngayong araw na ito.Dahan-dahan akong naglakad umiiwas na makagawa nang anumang ingay.
Dahil tulog pa si ina at ang iba pa.
Kailangan kong magpunta kay aling gina.
Suot ang simpleng bistida na kulay puti'walang ingay akong lumabas sa aming bahay.
Malapit lang ang bahay ni aling gina.
Kaya inumpisahan ko nang maglakad ng hindi gumagawa ng anumang ingay.
----
Nang makita ko na ang bahay ni Aling Gina ay dali-dali ko itong tinakbo.
Madilim pa sa loob nito wari'y tulog pa sila.
Mahinang kinatok ko ang kanilang pintuan.
Ilan beses ko itong ginawa.
Pupungas-pungas pa si Aling Gina ng bumungad ito sa akin.
"Ludo..,anong ginagawa mo dito nang ganitong kaaga?."gulat na tanong niya sa akin.
"Pasensya na po sa istorbo Aling Gina,pero may mahalaga lamang akong pakay sa inyo."paliwanag ko sa kanya.
"Tungkol ba saan iyan?at gaano ka importante at sa ganitong oras ka nagpunta?."nakapameywang niyang saad.
"Halika muna at pumasok,ititimpla kita nang gatas sa loob."
Mabilis ko itong tinanggihan."Aling gina,maari ko bang malaman kung saan ko pwedeng makita at makausap ang taong gustong bilhin ang aming lupa?."diretsong tanong ko sa kanya.
Nangunot ang noo niya sa aking sinabi.
"Alam ba nang iyong ina ito ludo,at paano kung mapahamak ka?."
"Pakiusap po,aling gina sabihin niyo na po sa akin kung saan ko maaring makita at makusap ang lalaking iyon."
Nagdadalawang isip pa ito sa kanyang isasagot.
Kalaunan ay bumuntong hininga ito."Sige pero magiingat ka ha,hindi na kita masasamahan doon dahil mag-aayos na kami nang mga gamit para sa pag-alis namin."biglang gumaan ang aking pakiramdam sa narinig.
"Opo,at maraming salamat po..."Tipid itong ngumiti.
"Sa hotel nang mga Rosco doon mo siya makikita,magiingat kang bata ka."pahabol na bilin pa niya sa akin.
"Sige po maraming salamat,at magiingat din po kayo."mabilis kong nilisan ang kanyang harapan.
Alam ko ang hotel nang mga Rosco,ang hotel na iyon ang nag-iisang istrakturang nakatayo sa aming nayon.
Hindi pa namin nakikita ang mga ito pero ayon sa kwento sila ang pinaka-mayaman sa aming nayon.Mabilis na tinahak ko ang daan papunta sa lugar na 'yon.
Kailangan kong magmadali at baka hanapin na ako ni ina.
-------
Hinihingal na narating ko ang hotel nang mga Rosco.
May kalayuan din ito sa aming lugar.
Dahil sa sobrang aga ay nilakad ko nalang ito.
Wala din kasi akong masakyan.
Nakaramdam ako ng pagod kaya naisipan ko munang magpahinga.
Sa hindi kalayuan ay may nakita akong isang upuang bato.
At doon ko naisipang magpahinga.
Makalipas ang ilang minuto ay naisipan ko na ring tumayo.
Dumiretso ako sa loob at nagpalinga-linga'naghahanap nang taong maaaring
mapagtatanungan.Pero mukhang walang tao sa loob nang hotel.
Asan na sila?tanong niya sa kanyang isipan .
Tumingin ulit ako sa paligid.
Nagbabakasakaling may makita kahit isang tao lang upang mapgtanungan ito.
"Who are you!."mariin na tanong ng taong kanyang nasa likuran.
Nagulat ako sa biglaang pagsulpot niya.
Dahan-dahan ko itong nilingon.
Isang matangkad na lalaki ang bumungad sa akin.
Nakakunot ang noo niya at napakatalim niyang tumingin sa akin.
"Damn it!!
"Are you a fucking angel?
May ibinubulong ito na hindi abot sa aking pandinig.
Please vote❤️
BINABASA MO ANG
Mafia Obssesion
AcciónSi Ludo Marie Arabel ay lumaki sa payapang lugar kasama ang ina' .Masaya silang namumuhay sa tahimik na lugar,mahilig ang kanyang ina sa pagtatanim nang mga bulaklak kaya naman nakahiligan na din niya ito.At ito na din ang kanilang hanap buhay. Paa...