Special Chapter

2.5K 60 29
                                        


5 years later

"Momma wake up,wake up."

Nagising ako dahil sa isang matinis na tinig.
Ng imulat ko ang aking mga mata bumungad sa aking ang napaka-gwapong mukha ng aking anak.

"My beautiful momma is awake."malambing na saad niya sa akin.

"Anong kailangan mo at maaga mo akong binobola."pabirong tugon sa kanya.

Niyakap ko ito ng mahigpit ng lumapit ito sa akin.

"Hey,hey..hey...gising na ang dalawang babies ko."

"Dada...dada...."tumayo ito at nagtatalon sa kama.

"Eros Collan,tigilan mo yan."

Napabusangot ako nang marinig kong tinawag niya ito sa buong pangalan.

Nakita ni Eros ang naging reaksyon ko kaya tumawa ito ng malakas.

Sa nakalipas na limang taon ay namuhay kami ng tahimik.

Nag-pa balik-balik si Eros sa bansang ito para makasama kaming mag-ina pero madalas ay nasa pilipinas ito dahil sa kanyang negosyo.

Siya kasi ang namamahala sa negosyong ipinamana ng kanyang ama.

Kaya bihira nalang namin siyang nakakasama ni Collan.

Noong araw na nagkita kami ni Azriel sa hospital ay 'yon rin ang araw na dinala ako ni Eros sa lugar na ito.

At wala narin akong balita tungkol sa kanya.

Si ina ay lagi naman namin nakakausap sa pamamagitan ng Video Call.
Sa lumipas na panahon marami na akong natutunan.

Hindi na ako masyadong inosente.

"Let's go,the breakfast is ready."

Tumayo ako ng mabilis at  kinuha ang aking garapon na naglalaman ng  maraming pera sa loob.

"Hep,nasaan na ang pera ko."

Dahil sa ginawa ko ay tumawa ito ng malakas at lumapit sa akin,ginulo niya ang buhok ko at hindi pa ito nakuntento binuhat pa ako netong muling at hiniga sa kama.

Pagkatapos ay pinagkikiliti niya ako.

Tuwan-tuwa naman siCollan sa kanyang nakikita.














Pero ang masaya at tahimik na pamumuhay  namin ay hindi pa dito nagtatatapos.













Abangan ang Book 2 mga ka ludonatics😘😘😘😘

Team Azriel parin ba o Eros😁

Mafia Obssesion Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon