LUDO POV
"Good evening "My lady" and maam,nandito ako para sunduin na kita."
May halong pagtataka ko itong tinignan,ang ibig bang sabihin nito ay nauna ng umalis si Azriel,napabusangot ako bigla.
"May mahalagang bagay lang siyang kailangan asikasuhin My lady,kaya nauna na siyang umalis."
Paliwanag nito sa akin ng mapansin ang pagbabago ng aking emosyon
"Ayun naman pala madam,kaya wag ka nang sad diyan."biglang sabat ng babaeng nasa aking likuran.
"Lets go,malalate na tayo."
Pinagmasdan muna ako nito mula baba hanggang itaas ng aking mukha bago tumalikod.
"Mukhang may something kay mister pogi ah."bulong ng babae at mabilis na sumunod kay Alejandro.
Sumunod na din ako sa kanila at itinaas ang ibabang bahagi ng aking damit upang hindi ito maapakan.
Nakasuot kasi ako ng isang sandalyas na sobrang haba ng takong,ayaw ko sana itong isuot pero sinuway ako ng babae kanina.
Nakita ko si Alejandro sa tabi ng hagdanan at hinihintay ang aking paglapit sa kanya.
Inilahad niya ang kanyang kanang kamay at iniabot ito sa akin.
"I need to hold your hand."
Inaabot ko ang aking kamay sa kanyang kamay na nakalahad,at sabay na bumaba sa hagdan.
"Danm it!ang lambot ng kamay,napaka swerte mong mokong ka!.mahinang bulong nito.
"May sinasbi kaba andro?
"Andro who?
Natawa ako sa reaksyon ng kanyang mukha.
"Ikaw,napaka haba ng iyong pangalan kaya andro nalang ang itatawag ko sayo,okay lang ba?"
Ngumisi ito sa akin,magka-pareha talaga sila ni Azriel hindi nalalayo ng wangis nilang dalawa.
"Oo naman Marie."
Tuwang-tuwa akong tumingin sa kanya.
"Alam mo bang ikaw lang ang tumawag sa akin na Marie,lahat sila ay ludo o di kaya ay My lady ang tawag sa akin."masayang paliwanag ko dito.
-----------
Masaya naman kausap si Andro ,hindi ito tipid magsalita tulad ni Azriel.
Sa sobrang pagka-aliw ko sa pakikinig ng kwento niya ay hindi ko namalayan na narito na kami sa aming pupuntahan.
Nauna siyang bumaba sa akin at pinagbuksan ako ng pintuan ng kanyang sasakyan.
Kami lamang dalawa ang nakasakay dito,pero may mga limang kotse ang nakasunod sa amin.
Sila daw ang aming bodyguard na magbabantay sa amin.
Tinanong ko sa kanya kung bakit kailangan pa namin ng taga bantay,simple lamang ang kanyang sagot.
"Your husband is a powerful person so many people want to bring him down."
Ayun lamang ang kanyang sinagot,at naputol na ang aming pag-uusap.
Pagkalabas ko ng sasakyan ay inakay na ako nito,pumasok kami sa isang eleganteng bahay.
Napakalaki nito at parang isang mansyon din katulad ng bahay ni Azriel,pero naiiba ito dahil kakaiba ang desenyo nito,kulay ginto ito at itim.
May iniabot itong kulay gintong sobre sa taong nakaabang sa pinto,bago kami pumasok.
Nang bumukas ang pintuan ay bumungad sa akin ang mga ilaw na nagkikislapan sa taas ng kisame.
At nakikita ko ding kung paano ka elegante ang suot ng mga kababaihan at kalalakihan mukhang mamahalin pa ang kanilang kasuotan dahil sa mga kumikinang na disenyo ng mga ito.
Napatingin ako sa aking suot,buti na lamang at hindi na ako nagpumulit na magsuot ng isang bestidang padala ni ina.
Ang bestida na isusuot ko sana ay iyong regalo ni ina sa akin,ganun klaseng kasuotan daw ang nababagay sa mga party na dadaluhin.
Napabalik ako sa ulirat ng tumikhim ang aking katabi.
Nilingon ko ito sandali,at ibinalik ang atensyon sa harapan.
Pero ganun na lamang ang aking pagka-gulat ng lahat sila ay nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Mafia Obssesion
ActionSi Ludo Marie Arabel ay lumaki sa payapang lugar kasama ang ina' .Masaya silang namumuhay sa tahimik na lugar,mahilig ang kanyang ina sa pagtatanim nang mga bulaklak kaya naman nakahiligan na din niya ito.At ito na din ang kanilang hanap buhay. Paa...